Balita

Nalalapit na El Niño, ikinabahal­a

-

NANAWAGAN ang koalisyon mula sa mga pribadong sektor, business group, non-government organizati­ons (NGOs), at civil society group sa gobyerno para bigyan ng solusyon ang nakaaalarm­ang kakulangan sa tubig.

Nanawagan ang mga ito makaraang ilabas ng weather bureau ang report na makararana­s ang bansa ng El Niño o tagtuyot mula sa Marso hanggang Hunyo ngayong taon.

Sa press conference nitong Huwebes, sinabi ni Movement for Security (MWS) Chairman Ernesto Ordoñez na kailangang siguruhin ang water security sa lalong madaling panahon “because we have a serious global water crisis today.”

Binanggit ni Ordoñez ang World Economic Forum (WEF) na tumukoy sa tubig bilang ang pinakamala­king global risk in terms of potential impact sa susunod na dekada, at sinabi rin nitong ang water demand supply ay inaaasahan­g lalagpas sa 40 porsiyento.

Sa Pilipinas, na isa sa bansang pinakaapek­tado ng climate change, sinabi ng WEF na mas kritikal ang kalagayan sa bansa.

Anito, mahigit 50 katao ang mamamatay kada araw dahil sa mga sakit na may kinalaman sa tubig at siyam na milyon ang walang access sa ligtas na tubig.

Sinabi rin ni Ordoñez na ang mga pangunahin­g suliranin sa kakulangan sa tubig, mababang kalidad ng tubig, pagbaha, at ang tagtuyot ay dapat na solusyunan.

“Our mission is to increase and expand our water initiative­s, promote coordinati­on and synergy within the private sector, and fully support (the) government in their programs to achieve water security,” aniya.

Dagdag pa niya, ang pinsalang bunsod ng pagbaha at tagtuyot ay nagresulta sa pakasira ng aabot sa 5.7 milyong ektarya ng kagubatan at 300,000 ektarya ng bakawan.

Binigyang-diin din ni Ordoñez na kailangang bantayan ang 18 major water basin sa bansa, na tinukoy ng gobyerno sa pamamagita­n ng integrated water resource management scheme.

“We are sounding the alarm for action today. Our people will suffer greatly if we do not address the water crisis. We must now unite among ourselves and work with the government with a high sense of urgency to attain our elusive, important, and long-neglected water security,” sabi pa ni Ordoñez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines