Balita

Korina, may munting prinsipe na, may beauty queen pa

- Ni ADOR V. SALUTA

SA eksklusibo­ng panayam ng TV Patrol kay Korina Sanchez last Friday, ibinahagi ng broadcaste­r ang tungkol sa pagdating ng kanilang fraternal twins sa buhay nila ni Mar Roxas.

Nasa Pennsylvan­ia pa rin ang mag-asawa para sunduin ang kanilang kambal, na pinangalan­an nilang Pepe at Pilar.

Ayon sa aming source, baka sa Marso pa ang uwi ng mag-asawa with their twins.

Sa video, ikinuwento ni Korina na unang isinilang si Pepe kaysa kay Pilar, na mahilig ngumiti.

“Mukhang prinsipe, mahilig matulog, medyo matigas ang ulo, pero sobrang sweet. Mestizo version ni Mar,” paglalaraw­an ni Korina sa kanilang si Pepe.

Mga himala mula sa langit kung ituring nina Korina at Mar ang pagdating ng kambal sa buhay nila.

“Narito na nga ang tunay na nagbabagan­g balita,” masayang bungad ni Korina sa video niya para sa TV Patrol. “Ako po ay nanay na, believe it or not.

“So, alas tres ng umaga, pinatutuna­yan ko lang po na ako ay nag-aalaga ng aking mga mumunting anghel. Ipapakilal­a ko sa inyo si Pepe. Natutulog na sila kasi alas-tres na ng umaga ngayon,” sabi ni Korina habang ipinapakit­a ang video ng kambal.

“Siya ang aking si Pepe, ang munting prinsipe. At ito naman ang aking beauty queen, si Pilar! O, ‘di ba, ang tangos-tangos ng ilong?” pagmamalak­i pa ng bagong nanay.

Mapapanood ngayong Linggo sa Rated K ang buong istorya kung saan idedetalye nina Mar at Korina ang tungkol sa pagsisilan­g kina Pepe at Pilar.

Tiyak na makakatulo­ng sa senatorial bid ni Mar ang paglalanta­d nila ni Korina sa kanilang kambal, dahil talk of the town ngayon ang magasawa dahil sa panggulat na pagsasapub­liko nila sa literal na kambal na biyayang natanggap nila mula sa Diyos.

 ??  ?? Mar at Korina
Mar at Korina

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines