Balita

This is not what we wanted… but what we both need—Clint

- Nitz Miralles

ILANG oras makaraang magkuwento si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa isang TV guesting tungkol sa hiwalayan nila ni Clint Bondad, nag-post kahapon sa Instagram ang binatang modelo at sinabing mananatili­ng ang dating kasintahan ang “most beautiful woman” para sa kanya.

Post kahapon ni Clint: “Man, and here I am working so hard on my bad boy image... I stand by all I have ever said about you. You are still the most beautiful woman that I have ever met.

“I wish you the very best on your path, wherever it will carry you... Truly.

“This is certainly not what we both wanted, but most certainly what we both need at this point of our life,” saad pa sa post ni Clint.

Sa pagtatapos ng nasabing post, gumamit ang Filipino-German model ng linya mula sa 2007 Grammy nominated-song ng British singer na si James Blunt, ang You’re Beautiful: “But we shared a moment that will last till the end.”

Ayan! Malinaw na, kaya ‘wag na sanang magalit kay Clint ang netizens at huwag na sana siyang kulitin tungkol sa paghihiwal­ay nila ni Catriona, after six long years ng kanilang relasyon.

May mga nalungkot at may mga umiyak pa nga na shippers nina Clint at Catriona dahil sa pagwawakas ng kanilang love story. Pero may mga umaasa pa rin na magkakabal­ikan ang dalawa.

Ang payo nila kay Clint, hintayin niyang matapos ni Catriona ang reign nito bilang 2018 Miss Universe, lalo na at sinabi naman ng 25-anyos na beauty queen na wala siyang balak na makipagrel­asyon sa buong panahon ng kanyang reign.

Ang maganda nito, tanggap ni Clint ang pangyayari at nakatutulo­ng din na busy siya ngayon kaya mas madali siyang makakapag-move on.

Isa sa nagpapa-busy kay Clint ang taping ng rom-com series ng GMA 7 na Love You Two, kasama sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado. Sa direksiyon ni Irene Villamor, sa April na ang airing nito.

 ??  ?? Clint
Clint

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines