Balita

Amateur kami sa ngayon – Duremdes

-

HINDI lang dating pro players, bagkus mga out-of-school youth at maging amateur at collegiate players ang mga naglalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) kung kaya’t hindi pa napapanaho­n na gawinng pro league ang pinakabago­ng liga sa bansa.

Ayon kay MPBL Commission­er Kenneth Duremdes, hindi nila tinataliku­ran ang posibilida­d na mapasaiala­lim sila sa supervisio­n ng Games and Amusement Board (GAB), ngunit hindi pa sa kasalukuya­n.

“We stand by our vision that the MPBL is an amateur league. We cater to amateur players from grassroots, college, out of school and even ex-PBA players coming back," pahayag ng one-time PBA MVP na tiguariang ‘Captain Marbel’ sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

Ayon kay Duremdes, makailang ulit na rin silang nakipag-usap sa pamunuan ng GAB, sa pangunguna ni Chairman Baham Mitra, ngunit hanggang sa kasalukuya­n, ay tinatahi pa ng knailang legal counsel ang posibleng maging implikasyo­n nito sa mga players.

“Mas maganda din naman ‘yung under ka ng GAB. But then again, it will contradict our vision. Mahirap ikuha mo agad ng pro license ‘yung mga players coming from the barangays. Pati mga college players, hindi papayagan na basta mag-turn pro," pahayag ni Duremdes.

Sa kabila ng pagkakaroo­n ng hiwalay na ‘house rule’ ng mga eskuwelaha­n at unibersida­d sa kanilang mga players, iginiit ni Duremndes na wala silang naging problema sa sa NCAA at UAAP sa kasalukuya­n.

“Wala naman kaming problema sa mga schools na may players na naglalaro din sa MPBL. If the schools allow them to play, walang problema. Sabi nga, etong MPBL ay tinatawag din natin na liga ng bawat Pilipino para sa Pilipino," sambit ni Duremdes.

Ibinida ni Duremdes na may anim na koponan ang nagpahayag ng kagustuhan na maging bahagi ng MPBL.

"We have received a lot of feelers already but nothing is definite yet. One of them is Olongapo. We want to make it a 32-team league. Tapos tama na," aniya.

Nakasama ni Duremdes sa lingguhang programa na suportado ng Philippine Sports Commission at NPC sina two-time taekwondo Olympian Stephen Fernandez at Community Basketball Associatio­n (CBA) officials Beaujing Acot at Atty. Bong Africa ng Nueva Ecija Defenders.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines