Balita

KAAWAN NAWA!

Team Gilas sa krusyal na laro sa Fiba vs Kazakhstan

-

KAZAKHTAN – Kung mayron dapat bantayan at pag-aralan ang Team Pilipinas Gilas sa kanilang duwelo sa Kazakhstan, dapat bigyan ng dagdag na atensiyon ang naturalize­d player na si Anthony Clemmons.

Inaasahang magbibigay ng sakit sa ulo ni Gilas Coach Yeng Guiao ang US-born na si Clemmons na siyang sentro ng usap-usapan ngayon higit at nasa krusyal na katayuan ang Pinoy cagers sa pakikipagt­uos sa Kazakhstan sa Fiba World Cup qualifiers Linggo ng gabi.

Hataw si Clemmons sa naiskor na 31 puntos tampok ang 4-of-8 shooting sa three-point range sa kabiguan ng Kazakhstan laban sa matikas na Australia, 81-60 nitong Huwebes sa Saryarka Velodrome sa Astana.

Sa kabila ng katotohana­n na wala nang pag-asa ang Kazakhstan na makalusot sa Fiba World Cup sa China, inaasahang hindi basta bibigay ang karibal, higit ang 24anyos na si Clemmons mula sa Lansing, Michigan.

“Isang concern namin is Clemmons 'yung bago nilang player, their other naturalize­d player. So siya ‘yung isang tinuunan namin ng pansin,” pahayag ni Team Pilipinas deputy Sandy Arespacoch­aga sa panayam ng Sports Radio.

“Definitely sa pagdagdag ni Clemmons medyo may pagkakaiba na sa laro nila (Kazakhs). He is a very good scoring guard, he can play the point and shooting guard positions, magaling siya sa pick and roll and sa ball screen. He can score from the three-point area, may midrange pull up din. So medyo ibang dimension ang nadagdag niya,” aniya.

Hindi nakalaro ang 6’1” na si Clemmons nang gapiin ng Kazakhstan ang Team Pilipinas, 9288, nitong Nobyembre 30 sa Smart Araneta Coliseum.

Para mapaghanda­an ng husto, nauna nang bumiyahe sa Kazakshtan sina Arespacoch­aga at assistant Ford Arao upang mapanood ang laro nito, gayundin ang pagbabago sa koponan.

“Kazakhstan is a good offensive team, marami silang options. Nung kinalaban natin sila ang dami nilang naipasok na three-points laban sa atin,” pahayag ni Arespacoch­aga.

Aniya, tinik din sa lalamunan ang beteranong si Alexandr Zhigulin na kumana ng 30 puntos sa huling panalo laban sa Gilas.

Samantala, nanatiling buhay ang tyansa ng Jordan matapos gapiin ang China, 86-62, sa Amman.

Kumubra si Dar Tucker ng 32 puntos at 11 rebounds, habang tumipa si Zaid Abbas ng 20 puntos at 10 rebounds para mahila ang karta ng Jordan sa 6-5 at makisosyo sa Lebanon at China sa ikatlong puwesto sa Group E.

Nabigo ang Lebanon na makuha ang No.1 sa grupo nang mabigo sa Group E topnotcher New Zealand, 67-65.

“Nung kinalaban natin sila wala si Andray. Ang question ngayon diyan is how they will defend Andray, will they go oneon-one or kailangan nilang gumawa ng defensive scheme. At malaking bagay iyan sa atin,” pahayag ni Arespacoch­aga, patungkol sa hindi paglalaro ni Blatche sa unang laban sa Kazakhtan.

“At yun ang isang malaking opportunit­y para sa atin for Andray to step up, and kung lalaruin niya lang ang laro niya, malaking problema ang ibibigay niya against Kazakhstan.”

 ??  ?? INAASAM muli ang all-around game ni Andrea Blatche.
INAASAM muli ang all-around game ni Andrea Blatche.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines