Balita

PDEA VS PNP

2 parak sugatan, ‘tropang tulak’ tiklo

- Ni JHON ALDRIN CASINAS

Sugatan ang dalawang pulis ng Eastern Police District (EPD), na kasama ang umano’y drug pusher na may bitbit na P2.9 milyong halaga ng shabu, nang makipagpal­itan ng bala sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) sa buybust operation sa Pasig City, nitong Huwebes ng hapon.

Sa ulat, duguan sina PO2 Marlou Roldan at PO2 Mark Vista nang makipagbar­ilan sa mga tauhan ng PDEA-NCR sa isang gasolinaha­n sa San Guillermo Avenue sa Barangay Buting, Pasig City nitong Biyernes, bandang 4:35 ng hapon.

Si Roldan ay nakatalaga sa Pasig City Police Community Precinct 9, habang si Vista ay sa EPD Special Operations Unit.

Nagsasagaw­a ng buy-bust operation ang mga tauhan ng PDEA laban kay Raymund Ryan Cruz, 35, base sa ulat.

Si Cruz ay iniulat na sinamahan nina Roldan at Vista sa operasyon, ngunit hindi alam ng PDEA agents na ang dalawa ay pulis.

Sa gitna ng putukan, tinamaan si Roldan ng bala at inaresto. Isinugod siya sa East Avenue Medical Center upang lapatan ng lunas, dagdag sa ulat.

Nakuha kay Roldan ang kanyang service firearm, motorsiklo at siyam na pakete ng hinihinala­ng shabu.

Napag-alaman na si Roldan ay unang nakatalaga sa Pasig City Police Station Drug Enforcemen­t Unit at inilipat sa PCP 9 noong nakaraang buwan.

Samantala, si Vista, na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan, ay tumakas at kalaunan ay natunton matapos na humingi ng medical assistance sa Rizal

Medical Center sa Pasig City.

Kaugnay nito, nadakip naman ng anti-narcotic operatives si Cruz at narekober ang 430 gramo ng hinihinala­ng shabu, na nagkakahal­aga ng P2.9 milyon.

HEPE SINIBAK Kinumpirma ni Senior Supt. Rizalito Gapas, Pasig City Police chief, sa BALITA na sinibak na niya si Police Insp. Edward Olmedo, ang station commander ng City Police Community Precinct (PCP) 9, dahil sa umano’y pagkakasan­gkot ng isa sa mga tauhan nito sa illegal drug activity.

“Ni-relieved ko na ang PCP 9 commander pending [the result of the] investigat­ion,” sabi ni Gapas.

“Rest assured that the Pasig Police will not tolerate its peers who are engaged in illegal activity,” dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines