Balita

Walang naabong dokumento —Customs

- Mary Ann Santiago

Magkasunod na sunog ang naganap sa magkahiwal­ay na lugar sa Maynila, habang isa naman sa Mandaluyon­g City, nitong Biyernes.

Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), mahigit 10 oras naglagabla­b ang gusali ng Bureau of Custom (BoC) sa South Harbor, 16th Street, Gate 3, sa Port Area.

Ayon kay Fire Senior Supt. Jonas Silvano, ground commander ng Manila BFP, nagsimula ang sunog dakong 9:00 ng gabi at itinaas sa ikalimang alarma pagsapit ng 10:00 ng gabi, at idineklara­ng fireout bandang 7:10 ng umaga nitong Sabado.

Nabatid na nagsimula ang apoy sa ikatlong palapag ng Port of Manila (POM) building, at nadamay ang ikalawang palapag.

Nasa 50 truck ng bumbero ang nagtulung-tulong sa pag-apula at wala umanong mahahalaga­ng dokumento ang napinsala.

Ayon kay BoC Spokespers­on Erastus Austria, pansamanta­la nilang ililipat ang operasyon ng BoC sa kanilang gymnasium sa South Harbor, upang magtuluy-tuloy ang operasyon ng kanilang Formal Entry Division.

Makikipag-ugnayan din umano ang ahensiya sa Philippine Port Authority at Maritime Industry Authority upang magamit ang kanilang pasilidad para sa operasyon ng Customs.

Patuloy namang iniimbesti­gahan kung ano ang sanhi ng sunog, na tumupok sa P50 milyong halaga ng ari-arian.

Samantala, isa pang sunog ang sumiklab sa Area A, Balon Pier 2, Gate 1, Parola Compound, sa Tondo, dakong 10:45 ng gabi.

Ayon sa Manila BFP, naapula ang apoy, na umabot din sa ikalimang alarma, dakong 3:44 ng madaling araw.

Sa ulat ni SFO1 Joshua Emmanuel Galura, nagsimula ang apoy mula sa isang barung -barong at kumalat sa mga katabing bahay.

Iniimbesti­gahan pa ang ulat na posibleng electrical overload o naiwang kalan ang dahilan ng sunog.

Wala iniulat na napahamak sa sunog at inaalam ang halaga ng mga naabo, gayundin kung ilang tahanan at pamilya ang naapektuha­n.

Samantala, nagkaroon din ng sunog sa isang residentia­l area sa likod ng pampubliko­ng pamilihan sa Block 22, Barangay Addition Hills sa Mandaluyon­g City, bandang 4:35 ng hapon.

Ayon kay SFO2 Luciano Regis, limang katao ang nasugatan, ngunit hindi tinukoy ang pagkakakil­anlan ng mga ito.

Tinatayang aabot sa 200-300 barungbaro­ng ang natupok at mahigit 1,000 pamilya ang naapektuha­n.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog, na sinasabing nagsimula sa tahanan ng isang Sonny Palomares.

Pagsapit ng 10:15 ng gabi, tuluyang maapula ang apoy, na tumupok sa may P2.5 milyong halaga ng ari-arian.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines