Balita

‘Kubrador’ huli sa illegal gambling

- Martin A. Sadongdong

Inaresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang babae, na nahuli sa aktong nangongole­kta ng taya para sa illegal numbers game, sa Muntinlupa City, nitong Biyernes.

Dinampot ng mga tauhan ng NCRPO-Regional Special Operations Unit (RSOU) si Susan Ruz, 54, tubong Nueva Ecija at residente ng Quezon Street, Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, si Ruz ay inaresto nang makatangga­p ng tip ang awtoridad hinggil sa umano’y illegal gambling operations ng suspek.

Aniya, nagsagawa ng surveillan­ce operation ang grupo ng NCRPO-RSOU laban kay Ruz sa Quezon St., bandang 5:30 ng hapon.

Ang suspek, na nakumpirma­ng hindi tauhan ng Philippine Charity Sweepstake­s office (PCSO), ay namataang nangongole­kta ng taya sa sugal sa lugar, sabi ni Eleazar.

Isang undercover ang lumapit kay Ruz at nagkunwari­ng tatay. Tinanggap ng suspek, ayon kay Eleazar, ang pera mula sa undercover agent.

Nang sumenyas na ang undercover agent, lumabas na ang arresting team at inaresto si Ruz.

Sa 45-second video mula sa NCRPO, mapapanood si Ruz na pumipiglas sa mga umaaresto. Gayunman, wala na siyang nagawa nang bitbitin siya ng mga pulis sa van at dalhin sa presinto.

Nakuha kay Ruz ang P358 taya, P20 na marked money; bet result card, dalawang ballpens, booklet collection report form, sling bag, at isang cellular phone.

Idiniretso si Ruz sa NCRPO headquarte­rs sa Camp Bagong Diwa, Taguig City at kinasuhan sa paglabag sa Presidenti­al Decree 1602 (illegal gambling), na inamyendah­an ng RA 9287 (illegal numbers game).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines