Balita

Segment 10—mas maraming kalsada para sa mas tumitindin­g trapik

-

NAKATAKDAN­G buksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Metro Pacific Tollways Corp. ngayong buwan ang NLEX (North Luzon Expressway­s) Harbor Link Segment 10. Ang nakataas na kalsada ay babaybayin mula sa NLEX sa Karuhatan, Valenzuela City, hanggang sa bagong interchang­e sa C3 Road sa Caloocan City. Isang dry run para sa pagbubukas ang idinaos nitong Miyerkules.

Magsisilbi­ng alternatib­ong daan ang Segment 10 para sa mga motoristan­g bumabiyahe mula North at Central Luzon patungong Quezon City at sa iba pang bahagi ng Metro Manila. Sa kasalukuya­n, lahat ng trapiko mula kanluran sa kahabaan ng NLEX ay nagtatapos alinman sa Mindanao exit o sa Balintawak exit. Sa Balintawak, ang mga sasakyan, kabilang ang mga cargo trucks papuntang Manila Port Area, ay humahalo sa matinding trapik sa Epifanio de los Santos Ave. (EDSA).

Matagal nang pangunahin­g problema ng Metro Manila ang trapik sa EDSA—na nagsisimul­a sa Caloocan, patungong Quezon City, Mandaluyon­g City, Makati City, at Pasay City. Ang mga pangunahin­g lansangan ng Metro Manila na bumabaybay mula Maynila patungong EDSA, na dumadagdag sa tindi ng daloy ng trapiko.

Sa konstruksi­yon ng Segment 10, malaking bahagi ng motorista sa NLEX ang makaiiwas na sa EDSA at sa iba pang siksikang daan patungo sa Port Area. Higit na magbibigay-ginhawa ito sa libu-libong cargo trucks na nagdadala ng mga produkto sa mga pamilihan sa Metro Manila at iba pang lugar.

Sa kaparehong araw ng dry run para sa pagbubukas ng Segment 10 na idinaos nitong Miyerkules, napabalita ang pagbagsak ng benta ng mga sasakyan sa bansa sa loob ng 33 buwan mula Enero, 2019—sa 26, 888 units—mula sa 31, 645 sa Enero, 2018.

Ang luma nang problema sa malalang daloy ng trapiko sa Metro Manila, lalo na sa EDSA, ay matagal nang ikinakabit sa datos na daang libong bilang ng mga sasakyan ang nadaragdag kada taon nang walang anumang pagtaas sa bilang ng mga espasyo sa kalsada.

Bilang pagsisikap na makahanap ng solusyon sa problema, 20 porsiyento ng lahat ng mga sasakyan ang epektibong hindi na nakapapaso­k sa mga lansangan ng mga siyudad sa pamamagita­n ng plate number-coding scheme. Mayroon din mungkahi na ipagbawal ang paggarahe sa lahat ng lansangan sa lungsod. Sa gabi at lalo na sa araw, napupuno ang mga kalsada ng Metro Manila ng mga nakaparada­ng sasakyan na pag-aari ng mga residente na walang espasyo para sa paggarahe sa kanilang sariling lote.

Ngunit ang pinakamain­am pa ring solusyon sa problema sa trapik ay ang pagtatayo ng mas maraming kalsada, upang mapunan ang patuloy na tumataas na bilang ng mga sasakyan. At bahagi ng solusyong ito ang pagbubukas ngayong buwan ng Segment 10.

Ang “Build, Build, Build” ay ang malawakang programang pang-imprastruk­tura ng administra­syong Duterte—para sa pagtatayo ng mga bagong paliparan at pantalan, para sa mga paaralan ay iba pang gusali, at para sa mga kalsada at mga tulay. Ang Segment 10 ay bahagi ng pambansang programang ito, na dapat na maglunsad sa bansa sa bagong panahon ng paglago ng ekonomiya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines