Balita

Bianca Rogoff, tampok sa US magazine cover

- Ni REGINA MAE PARUNGAO

HINDI napigilan ni Cherie Gil ang maging proud sa kanyang anak na si Bianca Rogoff makaraan itong itampok sa cover ng Showbiz Magazine US ngayong

Pebrero.

Si Bianca ay anak ng aktres sa dati nitong asawa na si Rony Rogoff, isang kilalang Israeli violinist. Kahit na na-annul ang kanilang kasal noong 2008, nanatili pa ring magkaibiga­n sina Cherie at Rony. May dalawang pang anak si Cherie, sina Jay at Raphael.

Back to Bianca, siya ay isang fourth year Bachelor of Fine Arts in Drama student sa New York University.

Agosto ng nakaraang taon nang ihayag ni Cherie sa Instagram na ang kanyang anak ay bahagi ng internatio­nal film na

Sensitive And In Love, na kinunan sa Palawan. Bahagi rin ng nasabing pelikula sina Carla

Humphries, Billy Ray Gallion at Craig

Lines. Ang Sensitive And In Love ay isang feature documentar­y na batay sa natuklasan ng best-selling author-psychologi­st na si Dr. Elaine Aron (The Highly Sensitive Person).

Ang pelikula ay idinirihe ni Will Harper, dating direktor ng Good Morning America ng ABC, at ng The Oprah Winfrey Show.

Samantala, eleganteng-elegante naman si Cherie sa litrato niyang tampok sa US-based lifestyle magazine, ang Luxury

Trending.

Kasama niya sa cover si Bianca at ang inang si Rosemarie Gil para sa special issue nito na inilabas noong November.

Ibinahagi rin ng aktres ang mga litrato niyang kinunan ng fashion photograph­er na si Vincent Gotti.

Caption ni Cherie: “Three generation­s of actresses!”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines