Balita

HBO film, lumabag sa kontrata: Jackson estate

-

NAKASAAD sa kaso, na isinampa sa Los Angeles Superior Court, na maaaring magbayad ang HBO ng mahigit $100 million danyos para sa tinawag ng estate na “reprehensi­ble disparagem­ent” ng network sa isang dokumentar­yo ng

Thriller singer. Ang docu, na may titulong Leaving Neverland, ay ipalalabas sa AT&T, na pagmamay-ari ng HBO, sa March 3 at 4, pagkatapos ng world premiere nito sa Sundance film festival noong nakaraang buwan.

Sa documentar­y, dalawang lalaki na ngayon ay nasa kanilang 30s na, ang nagsabing naging kaibigan nila si Michael at nakaranas umano sila ng pang-aabusong seksuwal mula sa singer nang sila ay pitong taong gulang pa lamang hanggang sa maging 10 taon gulang.

Napawalang-sala si Michael, na binawian ng buhay noong 2009, sa criminal trial sa California noong 2005 sa mga kaso ng pangmomole­stiyang isinampa laban sa kanya. Nakasaad dito na minolestiy­a umano niya ang isang 13 taong gulang na lalaki sa kanyang Neverland ranch.

Hindi nais ng kaso laban sa HBO na huwag ipalabas ang docu ngunit ayon dito, nilabag ng HBO ang 1992 contract ng tungkol sa Dangerous world tour ni Michael, kung saan pumayag ang network na hindi nito hahamakin o pipintasan ang singer noong panahong iyon at sa hinaharap.

Nais ng estate na ipatupad ang clause sa 1992 contract na nagsasabin­g “it entitles the estate to arbitrate the dispute”.

“Despite the desperate lengths taken to undermine the film, our plans remain unchanged,” saad ng HBO sa inilabas na statement nitong Huwebes. “HBO will move forward with the airing of the two-part documentar­y on March 3rd and 4th. This will allow everyone the opportunit­y to assess the film and the claims in it for themselves.”

Samantala, tinawag ng pamilya ng singer noong nakaraang buwan ang documentar­y at news coverage ng mga akusasyon na “public lynching” at pinanindig­an nilang si Michael ay “100 percent innocent.”

Inihayag din ni Howard Weitzman,

abogado para sa Jackson estate, sa isang pahayag nitong Huwebes na “(HBO) could have and should have ensured that Leaving Neverland was properly sourced, fact checked and a fair and balanced representa­tion.”

Aniya, “(the network had) breached its agreement not to disparage Michael Jackson by producing and selling to the public a onesided marathon of unvetted propaganda to shamelessl­y exploit an innocent man.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines