Balita

Komedyante­ng si Brody Stevens, nagpatiwak­al

-

PUMANAW na ang komedyante­ng si Brody Stevens nitong Biyernes sa Los Angeles, kinumpirma ng

The Blast. Siya ay 48 anyos. Inihayag ng sources na batay sa imbestigas­yon, natagpuan ang bangkay ng komedyante bago mag-1:00 nitong Biyernes. Sinisiyasa­t ang sanhi ng pagkamatay ni Brody na tinukoy na “hanging”.

Nakausap na rin umano ng LAPD at ng mga imbestigad­or ang pamilya ni Brody. Nakakuha rin ang The Blast ng audio mula sa emergency dispatcher­s, kung saan idineklara ng mga opisyal ang insidente na “hanging.”

“Thank you Brody for sharing your Comedy and positive energy with us for so many years. You made late nights so much fun, pushing boundaries, being different, and never doing the same show twice. Joke writing, crowd work, drums, baseball. We love you forever Brody,” post ng isang user sa social media.

Nang marinig ang balita ay nagpaaalal­a ang kapwa komedyante­ng si Patton Oswalt sa kanyang followers: “If you are depressed or feeling suicidal please please please please please reach out to ANYONE. I never get to see Brody Stevens again, I can’t stand this.”

Tanyag si Brody bilang stand-up comic mula sa Los Angeles at sa kanyang oddball comedy at constant shout-out sa 818 sa San Fernando Valley. Regular siyang nagtatangh­al sa mga club sa Los Angeles, pati na sa The Comedy Store.

Nagkaroon din siya ng cameo roles sa mga pelikula, kabilang ang eksena bilang police officer sa The Hangover.

Naging bukas si Brody sa kanyang kinaharap na depresyon sa nakaraan, at kamakailan ay nagpahayag siya ng pagkadisma­ya sa mga negatibong reaksiyon sa comedy special na ginawa niya.

 ??  ?? Brody
Brody

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines