Balita

R. Kelly, sumuko sa sexual abuse ng menor

-

INARESTO kahapon ang singer na si R. Kelly sa presinto kung saan siya kusang nagtungo para sumuko ilang oras makaraang ilabas ng Chicago, Illinois prosecutor­s ang arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng mga kaso ng sexual abuse sa mga menor de edad.

Inaasahang ihaharap kahapon ang 52-anyos na singer, na Robert Kelly ang tunay na pangalan, sa korte upang magpiyansa.

Nitong Biyernes, inihayag ng Cook County State Attorney’s Office na nahaharap ang beteranong R&B singer sa 10 kaso ng felony sa criminal sexual abuse, kaugnay ang umano’y insidente sa apat na babae, na naganap noong nasa edad 13-16 ang mga ito.

Kinakailan­gang humarap ang singer sa korte sa Marso 19 upang harapin ang kaso, na may sentensiya­ng tatlo hanggang pitong taong pagkabilan­ggo, ayon sa TMZ.

Lumabas ang ulat sa warrant ilang oras lamang makaraang lumutang ang dalawang babae na tumestigo umano sa seksuwal na pang-aabuso ni Kelly sa mga menor de edad.

Sinasabing sekretong lumapit umano ang mga awtoridad sa grand jury ngayong buwan upang masuri ang ebidensiya mula sa sex tape na isinumite ng kliyente ni Atty. Michael Avenatti. Makikita umano sa footage si Kelly habang nakikipagt­alik sa 14 na taong gulang na babae.

Naninindig­an si Kelly na inosente siya sa kabila ng dekadang bintang ng mga pang-aabuso niya, na muling nabuhay ngayong taon nang ilabas ang docu-series na Surviving R. Kelly, na nagtampok iba’t ibang mga akusasyon laban sa singer.

Samantala nitong nakaraang buwan, iginiit naman ng abogado ng depensa na si Steven Greenberg na walang ginawang mali ang kanyang kliyente.

“The allegation­s aren’t true because he never knowingly had sex with an underage woman, he never forced anyone to do anything, he never held anyone captive, he never abused anyone,” sinabi ng abogado sa

 ??  ?? R. Kelly
R. Kelly

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines