2019 Thunderbird Manila Challenge
BALIK aksiyon at mga inihandang palaban ng mga top local breeder para makilahok sa 2019 Thunderbird Manila Challenge na inorganisa ng nangungunang gamefowl feeds & vetmed company sa bansa.
Magdaraos ng regional qualifiers sa iba-ibang bahagi ng Plipinas at ang Thunderbird 6-Cock All Star Derby na nakatakda sa Smart Araneta Coliseum sa Mayo 22.
Ang mga Regional 5-Bullstag/ Cock Derby ay may entry fee na P11,000 at minimum bet na P6,600. Ang magkakampiyon, bilang karagdagan premyo ay tatanggap ng P100,000 na halaga ng Thunderbird products (P50,000 feeds + P50,000 vetmed) + 1 TMX 125 cc motorbike. May isang mountain bike para sa handler at 1 dosenang tari (Ampy Tari Shop) para sa mananari.
Ang Luzon Regional Qualifiers ay magaganap sa Marso 22 Pangasinan – Pangasinan Coliseum (Region 1, Aurora, Nueva Ecija), Marso 26 Rizal - Texas Cockpit Arena (GMA, Rizal, Cavite), Marso 28 Isabela – Jaycee Clay Sports Arena (Region 2 & Kalinga), Marso 29 Laguna – Fantastic Coliseum (Laguna, Quezon, Batangas), Abril 5 Pampanga – Bacolor Cockpit Arena (Pampanga, Bataan, Zambales, Bulacan) and Abril 6 Bicol – GPB Mayon, Tabaco City (Bicol Region).
Ang mga Visayas Regional Qualifiers ay mangyayari sa Marso 29 Cebu – New Gallera de Mandaue (Cebu, Negros Oriental, Bohol), Abril 6 Leyte – Leyte Reacreational & Amusement Center,
Palo, Leyte (Leyte & Samar) and Abril 10 Panay – Iloilo Coliseum (Panay & Negros).
Ang Mindanao Regional Qualifiers ay nakalinya sa Marso 30 Davao – New Gallera de Matina (Davao), Abril 13 Dapitan – Gallera de Dapitan (Caraga & Western Mindanao), Mayo 3 Cagayan de Oro –
Igpit Cockpit Arena (Cagayan de Oro).