Balita

Solusyon sa traffic na lang kulang ko—Digong

- Argyll Cyrus B. Geducos

Idinetalye ni Pangulong Duterte ang ilan sa mahahalaga­ng batas na nilagdaan niya makaraang hamunin ang kanyang mga kritiko na patuloy na bumabatiko­s sa kanyang administra­syon.

Sa kanyang speech sa campaign rally ng PDP-Laban sa Biñan, Laguna nitong Sabado ng gabi, sinabi ni Duterte na hindi siya kagaya ng kanyang mga kritiko na puro salita lang, pero wala namang ginagawa upang masolusyun­an ang mga problema ng bansa.

“Wala namang ginawa kung yawyaw (daldal). Basta makayawyaw lang. May masabi lang sa issue para hindi makalimuta­n,” sabi ni Duterte.

“Ganyan man ang style lahat. Pagdating ng panahon sinong ginayawyaw nila? Ako. Anong ginagawa ko? [Sabi nila] ‘Ah, Duterte extrajudic­ial killing’. Well, sa speech ba nila nagbaba ng 47 percent ang crime?”

Idinepensa rin ng Pangulo ang Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) Law, sinabing sa pagpapatup­ad nito ay mapopondoh­an ang iba pang mga batas na nilagdaan niya, gaya ng Free Tertiary Education Act o libreng matrikula sa kolehiyo, at ang Universal Health Care Law na awtomatiko­ng nagmimiyem­bro sa PhilHealth sa lahat ng Pilipino.

“Nangako ako na free tuition, nandiyan na ang batas. Nangako ako na free universal health care, pirmado ko na ang batas. Ano pa naman gusto?

“Iyong Pantawid (Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps) sabi ko itutuloy ko. Saan kukunin [ang pondo] ‘yan? Nandiyan sa TRAIN lahat ‘yan,” paliwanag ng Pangulo.

Tiniyak din ni Duterte na ginagawan na niya ng paraan na maitaas ang suweldo ng mga guro.

Binanggit din niya na tanging ang matinding problema na lang sa trapiko sa EDSA ang hindi pa natutupad sa kanyang mga ipinangako.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines