Balita

PH umalma sa istorya ng Washington Post

- Roy C. Mabasa

Umalma ang gobyerno ng Pilipinas kahapon sa frontpage story na inilathala sa Washington Post na pinamagata­ng, “This is Manila” tungkol sa isang diumano’y biktim ang extrajudic­ial killing (EJK) na ang bangkay ay lumutang sa Ilog Pasig nitong nakaraang buwan.

“It is disappoint­ing how this article hides behind the guise of journalism to advance an agenda that seeks to discredit the Philippine­s in the eyes of the internatio­nal community. Contrary to what its title hopes to provoke, the article paints a picture not of Manila, but of a hasty generaliza­tion that has no foundation in reality,” saad sa pahayag ng Philippine Embassy sa Washington, D.C. bilang tugon sa WaPo investigat­ive report na lumabas nitong Lunes, Pebrero 25.

Isinasalay­say ng WaPo ang pagkamatay ni Ferdinand Jhon “Dingdong” Santos, 44, na noong Enero 14 ay natagpuang lumulutang sa ilalim ng tulay ng Tondo, sa may Pasig River.

Batay sa mga salaysay na natipon ng US-based newspaper, ang biktima ay dinukot ng mga nakamaskar­ang lalaki na diumano’y nagpakilal­ang mga ahente ng National Bureau of Investigat­ion (NBI), dakong 11:30 ng gabi noong Enero 12 sa isang garahe sa Cavite kung saan natutulog si Santos at ang mga kapwa niya driver. Simula noon ay wala nang naging balita tungkol sa biktima.

Binanggit ng WaPo report na simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, patuloy na tumataas ang bilang ng mga namamatay sa kanyang war on drugs.

“The names of those killed in Manila and elsewhere are rarely known beyond their families and friends. Their stories – and, by extension, the stories of Manila’s dark side – are seldom told,” sinabi ng WaPo.

Ikinalungk­ot ng Philippine Embassy na nabigo ang WaPo na banggitin ang mga resulta ng mga huling survey sa Manila kung saan “majority of the Filipino people continue to back their government in the fight against illegal drugs.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines