Balita

Obispo ng Caloocan, may death threats

- Leslie Ann G. Aquino

Kinumpirma kahapon ni Caloocan Bishop Pablo David na nakatangga­p siya ng mga banta sa kanyang buhay.

Sa isang panayam, sinabi niya na nagsimula siyang makatangga­p ng death threats dalawang linggo na ang nakalilipa­s.

“I have been receiving them but I do not know who they are coming from,” ani David sa panayam.

Nang tanungin kung may kinalaman ito sa hayagan niyang pagkontra sa war on drugs, sumagot siya na: “I’d say your guess is as good as mine.”

Sa kabila ng mga banta sa kanyang buhay, walang balak si David na limitanan ang kanyang mga galaw at idiniin na walang makapipigi­l sa pagganap niya sa kanyang mga tungkulin bilang obispo.

Nitong Linggo, inihayag ni Pangulong Duterte na nagpadala ng mensahe si Cardinal Luis Antonio Tagle kay dating presidenti­al aid Bong Go kaugnay sa impormasyo­ng kanyang natanggap sa death threats kay Bishop David at sa iba pang mga pari mula sa isang tao na nagsasabin­g nagtatraba­ho para sa pamilya ng Pangulo.

Umaasa ang mga pari na seryoso si Pangulong Duterte nang umapela siya sa publiko na huwag saktan ang mga pari.

“Lets hope he is serious,” ani Bishop Buenaventu­ra Famadico, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s Episcopal Commission on Clergy, sa isang panayam.

“I hope he is not joking and is finally serious in his statement,” sabi naman ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines