Balita

Apat huli sa boga, droga sa checkpoint

- Bella Gamotea

Hindi nakalusot ang apat na lalaki sa checkpoint at nasamsam sa kanila ang mga baril at umano’y droga sa Pasay City, kamakalawa.

Nasa kustodiya ng Pasay City Police at iniimbesti­gahan sina Abdullak Tangote y Bantog, 40, ng Block 13, Lot 27, Macaria Homes Subdivisio­n, Molina 2, Bacoor City, Cavite; Salikaya Panday y Guiamlas, 27; Pahiz Mando y Lintang, 28; at Amer Adam y Maronsing, 41, ng Block 21, Lot 22, Macaria Homes Subdivisio­n, Molino 2, Bacoor City.

Sa ulat ni Senior Supt. Noel Flores, hepe ng pulisya, nagsagawa ng checkpoint ang kanyang mga tauhan at pinara at ipatupad ang routine visual search sa isang itim na Mitsubishi Montero (B2 L622), na kinalulula­nan ng mga suspek, sa panulukan ng Lions Road at Taft Avenue, Barangay 87, Zone 9 sa Pasay City, dakong 10:05 ng gabi.

Nadiskubre sa sasakyan ang dalawang .45 caliber pistols, na dahilan ng kanilang pagkakaare­sto.

Nakumpiska rin ang anim na selyadong pakete ng umano’y shabu.

Sa imbestigas­yon, inamin ng isa sa apat na suspek na naiwan pa ang dalawang baril sa tapat ng warehouse na matatagpua­n sa Taft Avenue, malapit sa kanto ng Raymundo St., sa lungsod kaya agad na pinuntahan ng mga pulis at opisyal ng barangay at narekober ang isang itim na sling bag na naglalaman ng isang .45 caliber at isang .9mm pistols.

Kakasuhan ang mga suspek sa paglabag sa RA 10591 (Comprehens­ive of Firearms and Ammunition­s Law) in relation to RA 7166 (Omnibus Election Code) at RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines