Balita

2 ‘hired killers’, timbog

- Mary Ann Santiago

Kalaboso ang dalawa umanong hired killers nang matiyempuh­ang may bitbit na baril ang isa at matunton naman ang isa pa, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ni Manila Police District (MPD) director, Police Chief Supt. Vicente Danao ang mga suspek na sina Apolonio Flores, 37, ng 719 J. Fajardo Street, Sampaloc; at Prince Patrick Cortez, 32, ng 269 Malaya St., Balut, Tondo, Maynila.

Sa ulat ng MPD-Sampaloc Police Station 4 (PS-4), unang naaresto si Flores bandang 2:45 ng hapon, at nadakip naman si Cortez, sa ganap na 4:30 ng hapon.

Nagpapagaw­a ng motorsiklo si Flores sa Lacson Avenue, kanto ng G. Tuazon St., sa Sampaloc nang mamataan ng isang concerned citizen na may nakasukbit na baril sa tagiliran kaya isinumbong sa mga awtoridad.

Agad siyang inaresto nina PO2 Mark Fredelio Delima, PO1 Jerwin Rontos at PO1 Danrie Jose Magpantay sa anti- criminalit­y operation.

Nabasa ng mga awtoridad ang pakikipagp­alitan ng text message ni Flores kay Cortez, kung saan inuutusan umano ni Cortez si Flores na itumba ang isang tulak sa Balut, na nabigong hindi makapag-remit ng drug money.

Nagsagawa ng follow-up operation laban kay Cortez, na naaresto sa Earnshaw St., malapit sa kanto ng Del Fiero St., sa Tondo.

Ayon kay Police Senior Insp. Edward Fuggan, ng Sampaloc Police, nadiskubre

sa cell phone ng suspek ang mga mensahe na nag-uutos sa magiging kilos nito.

“Upon investigat­ion po namin nalaman po namin sa kaniyang cellphone na trabaho niya ay hitman,” ani Fuggan.

Lumilitaw rin na P20,000 ang bayad ng kanilang kliyente kada taong maitutumba nila.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang pistol caliber Colt, isang fragmentat­ion grenade, tatlong cell phone at isang pulang Mitsubishi mirage G4 (B2 C130).

Kakasuhan ang mga suspek sa paglabag sa Section 28, Article V ng Republic Act 10591 in relation to Batas Pambansa 881 (Omnibus Election Code) at paglabag sa Presidenti­al Decree 1866 as amended by RA 9516 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines