Balita

Pari at obispo, ipinagtang­gol ni PRRD

-

KUNG

noong una ay inamuki niya ang mga istambay, kantoboy at adik na abangan at saktan ang mga pari at obispo (lalo na ang mayayaman), ngayon ay iba na ang tono ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD). Binantaan niya ang sino mang mananakit sa mga paring Katoliko na siya ang makakalaba­n kapag sinaktan ang mga ito.

Ayon sa Pangulo, ang away niya sa Simbahang Katoliko ay personal na bagay kaya ‘di dapat isangkot ang mga pari, obispo sa isyung ito. Ang warning ay ginawa ni PRRD matapos ipaalam sa kanya ni ex-SAP Bong Go na nag-text ang liderato ng Catholic Church na may mga tao o grupo na malapit sa Duterte Family na nagbabanta sa mga pari at obispo.

May mga report na nagpadala ng mensahe si Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle na may mga kasapi ng Simbahan na tumatangga­p ng death threats mula sa pamilya ni Mano Digong. Mahigpit na itinanggi ng Presidente na may mga tao o grupong malapit sa kanya ang nagbabanta. Ayon sa kanya, may mga grupo na naghahasik ng kontrobers­iya.

Sa unang political rally sa Cebu City ng PDP-Laban noong Linggo ng gabi, binasa ni PDu30 ang text message na umano’y galing kay Cardinal Tagle mula sa Rome. Si Tagle ay nasa Vatican para dumalo sa pulong o Summit ng mga obispo na ipinatawag ni Pope Francis tungkol sa sex abuse ng mga pari.

Sa text message ng Cardinal, sinabi na may mga tao o grupo na nagtatraba­ho sa Duterte Family na nagbabanta sa mga pari at obispo. “Just to let you know. Baka may naninira. Thanks. We pray,” laman ng text ni Cardinal.

Sinabihan niya ang Cardinal na walang tao o grupong malapit sa kanya na nais manakit sa mga pari at obispo. Personal ang pakikipag-away niya sa mga ito. ‘Di ba malimit niyang sabihin na noong siya’y estudyante, inabuso siya ng isang dayuhang pari?

“Salamat Cardinal. Nais kong malaman mo na may mga tao o grupo na gumagamit sa pangalan ng Pangulo at ng kanyang pamilya sa pagbabanta. Dapat mong malaman ito. Ingat po kayo,” tugon ng Pangulo sa text ni Cardinal Tagle.

Ganito naman ang banta ni Mano Digong sa mga nais manakit sa mga pari at obispo. “The religious has nothing to do with the vagaries of life. Lay off... Once you touch nun and priest or imam. Don’t harm them because they are religious people. If you touch them, we will have to fight. They are not included in our war on drugs.”

Maganda ang mensaheng ito ng ating Pangulo para sa sino mang may masamang banta o intensiyon sa mga pari at obispo. Binigyangd­iin niya na personal na isyu ang namamagita­n sa kanya at sa ilang kasapi ng Simbahan. Marahil ay hindi pa niya nalilimuta­n ang masaklap na nangyari noong kanyang kabataan. Isa itong trauma para sa kanya.

Samakatuwi­d, lumilitaw ngayon na hindi mismo sa Simbahang Katoliko siya galit. Ang galit niya ay nakatuon lang sa ilang mga pari, obispo, cardinal na suwail, nanghahala­y ng mga batang babae at sakristan, kabilang ang mga madre na ginawa nilang sex slaves. Aminado naman ang Catholic Church na may mga kasapi silang suwail, tiwali subalit hindi lahat ng pari, obispo, cardinal ay masasama.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines