Balita

Adamson batters, binokya ang UST

- Marivic Awitan

KINAILANGA­N lamang ng reigning titlist Adamson University ng apat na innings para dispatsahi­n ang University of Santo Tomas, 14- 0, nitong Lunes at manatiling walang talo UAAP Season 81 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nagtala si Arianne Vallestero ng apat na RBIs at 3 hits kasunod sina Krisha Cantor, Mary Joy Magual at Nichole Padasas na may tig-2 RBIs para sa nasabing panalo ng Lady Falcons kontra Tigresses sa rematch ng last season Finals na nagpahaba ng kanilang winning run hanggang apat na laban.

Solido din ang naging paghagis ng kanilang pitcher na si Riflayca Basa na nakastruck out ng limang batters at nagbigay lamang ng isang hit.

Umangat naman sa ikalawang puwesto ang National University matapos maungusan ang De La Salle, 5- 4, para sa ikatlo nilang panalo sa loob ng apat na laro.

Nnanatili naman sa ikatlong puwesto ang Lady Batters na may hawak na 3-2 record.

Bumaba naman sa pang-apat ang UST kapantay ng University of the Philippine­s taglay ang patas na markang 2-2.

Nakapasok naman sa win column ang University of the East, matapos talunin ang Ateneo na nanatiling winless pagkaraan ng apat na laro.

Sa baseball, ginapi naman ng Ateneo ang La Salle, 13-11, para sa ikatlong sunod nilang panalo at solong liderato.

Pinataob naman ng UST ang NU, 16-2, habang namayani ang defending champion Adamson University kontra UP, 4-1.

Nagtabla-tabla sa ikalawang puwesto ang Growling Tigers, Falcons at Green Batters sa barahang 2- 1, habang ang Bulldogs at Fighting Maroons ay winless pa rin matapos ang tatlong laban.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines