Balita

Dumaguete archers, bull-eye sa target ng Batang Pinoy Visayas leg

- Annie Abad

ILOILO CITY -- Humakot ng ginto sa archery ang mga batang pambato ng Dumaguete City, habang tatlong ginto naman ang isinubi ng Bago City sa ikalawang araw ng kompetisyo­n ng 2019 Batang Pinoy kahapon sa Iloilo Sports Complex dito.

Natudla ni Prisa Helen Lofranco ang dalawang ginto sa Cadet girls 30m at 40m events para pangunahan ang ratsada ng Dumaguete City.

Ito ang ikalawang pagkakatao­n na lumahok ang 14-anyos na si Lofranco sa grassroots sports program ng Philippine Sports Commission ( PSC).

“Very thankful po. Cause I really didn’t expect to win this is just my second time but I was able to get two golds already. I’m hoping to win the other golds left in the other events,” kuwento ng Grade 8 student ng Siliman University.

Tatlong events pa ang nakahanay kay Lofranco -- 50m, 60m at Olympic round.

Bukod kay Lofranco, kumuha rin ng dalawang ginto ang kakampi nito na si Naina Tagle sa cub girls 20m at 30m, habang nagwagi naman sa Yeoman event girls si Danielle Bajado.

Samantala, nakisosyo sa podium ang Bago City pride na si Kate Julienne Martinez matapos makuha ang panalo sa girls javelin throw sa layong 27.70 meters. Sa unang araw ng kompetisyo­n, nadomina niya ang shot put at discuss throw.

“Masayang masaya po ako, Kasi pangarap ko po talaga na makakuha ng ginto sa mga competitio­ns na sasalihan ko,” sambit ng 14-anyos na si Martinez.

Pangarap na naging pulis ni Martinez na siya ring bumasag ng tatlong National junior records sa 2018 Palarong Pambansa.

“Sabi po nila sa akin naka break nga daw po ako ng record. Pero di ko po alam Basta po ako naglalaro lang po,” aniya.

Sa Iba pang resulta, nakasungki­t din ng ginto si Joven Jacob ng Negros Occidental sa 2000m walk (boys) sa kanyang tinapos na 12:36.3.

Sa taekwondo, sumikwat ng tigisang ginto ang apat na pambato ng host City Iloilo sa events ng flyweight, featherwei­ght, lightweigh­t at heavyweigh­t boys division.

Si Kyle Chin ang nagbida sa flyweight, habang si Seth Hendrick Porquez naman sa eatherweig­ht, si Jake Christian Manigo sa lightweigh­t at si Bill Donton III naman sa heavyweigh t.

 ??  ?? TRIPLE gold medalistsi Kate Julienne Martinez sa archery event.
TRIPLE gold medalistsi Kate Julienne Martinez sa archery event.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines