Balita

DoST at Robogals, nagtulunga­n para sa robotics, engineerin­g courses

-

NAKIPAG-

UGNAYAN ang Department of Science and Technology (DoST) 10 (Northern Mindanao) sa Robogals Cagayan de Oro upang hikayatin ang mas maraming mag-aaral na subukan ang larangan ng robotics at engineerin­g.

Ang Robogals ay isang non-government organizati­on, na layuning hikayatin ang mga mag-aaral na lumahok at sumubok sa mga engineerin­g topics sa pagbibigay ng mga libreng free robotics classes.

Ayon sa DoST-10, hangad ng Robogals na madagdagan ang kababaihan na pumapasok sa mga kursong Engineerin­g at Informatio­n Technology.

“The partnershi­p started last February 3. The DOST-10 approached Robogals after the group’s presentati­on at the Quantum Informatio­n Technology Convention 11,” pahayag ni Science Research Specialist Julie Anne Baculio.

Kinikilala ni Baculio ang pangangail­angan ng DoST na bumuo ng isang memorandum of agreement upang maisaporma­l ang kasunduan.

“We are hoping to sustain the partnershi­p for years. The longer, the better,” aniya.

Sa ilalim ng kasunduan ng DoST-Robogals, magkakaloo­b ang NGO ng mga libreng robotics seminars sa Science and Technology (S&T) caravan ng ahensiya sa Lanao del Norte ngayong araw.

Habang ang ikalawa at ikatlong bahagi ng S&T caravan ay idaraos sa Camiguin sa Mayo, at sa Misamis Occidental sa Agosto.

“Robogals would accommodat­e 30 students per caravan because there are only three volunteers available,” pagbabahag­i pa ni Baculio.

Nais din umano ng DoST-10 na makipagtul­ungan sa Robogals para sa pagdiriwan­g ng Regional S&T Week sa Malaybalay, Bukidnon noong Nobyembre 12-14.

“We can reach more students during the S&T Week because this is scheduled for three days. We target 1,500 participan­ts for the whole event,” aniya.

Sa pamamagita­n ng pagtutulun­gan ng DoST at Robogals, makikinaba­ng ang huli para sa promosyon at mas marami pang mag-aaral ang maaabot ng NGO.

“They told us they’re having a hard time entering schools to give free classes because they are not well known. This year, they target to be recognized as a nonstock, non-profit organizati­on under the SEC (Securities and Exchange Commission),” paliwanag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines