Balita

PAG-ASA NG BAYAN!

Mga atleta sa Visayas region, hataw sa Batang Pinoy ng PSC

- Ni ANNIE ABAD

ILOILO CITY— Nagpakitan­g gilas ang mga pambato ng Antique City at Dumaguete City sa swimming at archery matapos humakot ng tagumpay sa ikatlong araw ng kompetisyo­n sa 2019 Batang Pinoy Visayas Leg sa Iloilo Sports Complex dito.

Hataw si Guilliver Clive Clemente ng Antique sa napagwagih­ang apat na event sa swimming, habang bumida si Prisa Herren Lofranco sa archery.

Nasikwat ni Clemente, Grade 8 student ng Antique National High School, ang ginto sa 400m individual medley,50m breaststro­ke, 200m IM at sa 200m breaststro­ke.

Target niyang makuha ang ikalimang gintong medalya sa pagtatapos ng kompetisyo­n sa swimming ngayon.

Samantala, nadagdagan ni Lofranco ang naunang dalawang gintong napagwagih­an sa panalo sa 50m at 60. Nauna niyang nadomina ang cadet girls 30m distance at 40m.

“Very thankful po lalo na po sa suporta ng parents ko at night coach ko na si Jennifer Chan,” pahayag ng 14-anyos na si Lofranco.

Gaya ni Lofranco apat na ginto na rin ang napagwagih­an ni Godwell Maloloy-on ng Mandaue City sa cadet boys 30m, 40m, 50m at 60m event.

Kapwa kakasa ang dalawa sa Olympic round at team events.

Sa Arnis, nagwagi ang pambato ng Mandaue City na si Althea Kate Razonable sa cadet girls traditiona­l event.

Habang si Kate Iccy Solid ng Lapu-Lapu City ang nagwagi ng ginto sa cadet boys non traditiona­l double weapon gayung si Kyle Angelo Tiron ng host City Iloilo naman ang bumida sa cadet boys non traditiona­l single weapon.

Sa kasalukuya­ng medal tally, nangunguna ang host Iloilo City sa kanilang 23-16-14 panalo para sa kabuuang 53 medalya. Nakabuntot ang Cebu Province sa ikalawang puwesto, kasunod ang Cebu City, Negros Occidental at Bacolod City.

 ??  ?? LOFRANCO: Multiple gold medalist sa archery.
LOFRANCO: Multiple gold medalist sa archery.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines