Balita

Christophe­r at Sandy, nag-renew ng marriage vows

- Ni NORA V. CALDERON

MULING nag-renew ng kanilang marriage vows ang mag-asawang Christophe­r de Leon at Sandy Andolong, sa 39th wedding anniversar­y nila. Ginanap ito sa cruise nila sa Halong Bay sa Vietnam na ipinost ni Sandy sa kanyang Sirena Ng Laot Facebook account last Sunday, February 24.

“To make our trip more memorable ‘The Wedding Library’ held an intimate renewal of vows to celebrate our 39th year. The whole trip was organized for the Wedding Library’s Bridal Fair,

May 24 to 26, 2019, Megatrade

Hall, SM Megamall. Thank you @paradise.vietnam.”

Sina Sandy at Boyet nga ang napili ng “The Wedding Library” dahil role model sila bilang mga celebrity couples na may matagal at ideal relationsh­ips. Dumanas din ng ilang pagsubok ang marriage nila, pero dahil ang Diyos ang nasa sentro nila, nalampasan nila lahat iyon at naging matatag hanggang sa ngayon.

Unang ikinasal sina Boyet at Sandy sa civil rites bago ikinasal sa Calaruega Chapel of Transfigur­ation of Jesus in Nasugbu, Batangas on March 27, 1980. Next year ay 40th wedding anniversar­y na nila. Lima ang naging anak nina Boyet at Sandy, may anak naman si Boyet kay Nora Aunor at adopted niya lahat ang apat na anak na adopted ni Nora.

Very romantic ang descriptio­n sa renewal of vows nina Boyet at Sandy na muling ikinasal ng isang Vietnamese priest at medyo papalubog na ang araw nang oras na iyon. Our congratula­tions and best wishes kina Boyet at Sandy, at sana ay magkaroon sila ng mas marami pang taon ng magandang pagsasama.

 ??  ?? Sandy at Christophe­r
Sandy at Christophe­r

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines