Balita

‘Momo’ iimbestiga­han ng NBI, PNP

- Ni Beth Camia

Kumilos na ang National Bureau of Investigat­ion (NBI), katuwang ang Philippine National Police (PNP), sa pagsasagaw­a ng imbestigas­yon kaugnay ng kontrobers­iyal na “Momo Challenge”.

Nagsisiyas­at na ang NBI Cybercrime Division sa nasabing online challenge na mga bata ang tinatarget, isang araw makaraang kumpirmahi­n ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na inatasan na niya ang PNP Anti-Cybercrime Group na magsagawa ng imbestigas­yon at isara o i-block ang mga website na nagtatampo­k sa nasabing challenge.

Aminado naman si Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology (DICT) acting Secretary Eliseo Rio Jr. na hindi nito mapipigila­n ang paglaganap ng iba’t ibang online challenge, gaya ng Momo at “Blue Whale” challenges dahil wala sa Pilippinas ang surfer ng applicatio­n na ginagamit sa mga ito.

Aniya, maaari lang na mapigilan ang pagkalat ng Momo challenge kung tuluyang iba-block ang website na nagpapalab­as nito.Gaya ng PNP, nanawagan din ang DICT sa mga magulang na bantayan at suriing mabuti ang mga pinapanood ng kanilang anak online, partikular na sa YouTube—ang platform umano na nagtatampo­k sa Momo Challenge sa Pilipinas.

Iginiit naman kahapon ng YouTube na wala itong anumang video tungkol sa Momo Challenge, na umano’y nag-uudyok sa mga bata na saktan ang sarili o kapwa, o magpakamat­ay.

“We want to clear something up regarding the Momo Challenge: We’ve seen no recent evidence of videos promoting the Momo Challenge on YouTube,” bahagi ng serye ng tweets ng Google-owned video sharing platform.

Ayon sa YouTube, ang anumang video na nagpo-promote ng karahasan, partikular ng mga delikadong challenges, ay paglabag sa kanilang mga polisiya.

Hinimok din nito ang mga users at subscriber­s na i-flag ang mga video na nagtatampo­k ng mga delikado at mararahas na content, at nagbigay ng link kung saan maaaring i-report ang nasabing mga videos.

Inilabas ng YouTube ang pahayag kasunod ng matinding pagkabahal­a ngayon ng mga magulang tungkol sa Momo Challenge, kung saan isang Japanese character ang nagtuturo umano sa mga bata na saktan ang sarili o kitilin ang sariling buhay.

Sa pamamagita­n ng chat app na WhatsApp, nagpapadal­a umano ng numero sa bata, saka may magte-text sa paslit at magpapagaw­a ng 50 challenges para masilayan si Momo. Kapag hindi sumunod ang bata ay tatakutin umano ito ng texter hanggang sa himukin umano ang bata na magpatiwak­al.

Una nang kumilos ang mga awtoridad sa Amerika at United Kingdom laban sa Momo Challenge, makaraang isang bata umano sa Argentina ang unang nabiktima nito, at nasawi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines