Balita

Anti-Palo bill, ibinasura ni Digong

- Argyll Cyrus B. Geducos

Veto ang naging aksiyon ni Pangulong Duterte sa The Positive and Non-Violent Discipline of Children Act, na layuning proteksiyu­nan ang mga bata sa anumang uri ng karahasan sa bahay, paaralan at iba pang institusyo­n.

Ang pinagsaman­g bersiyon ng Senate Bill No. 1477 at House Bill No. 8239 ay layuning protektaha­n ang mga menor de edad sa panununtok, paninipa, pananampal at iba pang uri ng pisikal na pang-aabuso ng kanilang magulang.

Naniniwala ang Pangulo na ang paggamit ng mga magulang ng corporal punishment sa pagdisipli­na sa kani-kanilang anak ay nagiging dahilan upang sila ay sumuway sa batas at hindi dapat sundin ng Pilipinas ang gawain sa Western countries.

Sa pag-veto sa nasabing panukala, sinabi ni Duterte na sang-ayon siyang dapat protektaha­n ang mga bata sa pamamahiya, hindi naman siya sang-ayon sa sakop ng panukala na pati sa mga bahay.

“I do not share such an overly sweeping condemnati­on of the practice,” sabi ni Duterte sa kanyang veto message.

“Such manner of undertakin­g corporal punishment has given rise to beneficial results for society, with countless children having been raised up to become law-abiding citizens with a healthy respect for authority structures in the wider community,” aniya.

“Regrettabl­y, this bill places such responsibl­e disciplini­ng of children in the same category as humiliatin­g and degrading forms of punishment, and condemns them all in one bad stroke,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Duterte na sa panukala ay papasukin ng gobyerno ang personal na buhay ng pamilya.

“The bill transgress­es the proper boundaries of State interventi­on in the life of the family, the sanctity and autonomy of which is recognized by the Constituti­on,” ayon kay Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines