Balita

‘Impiyerno’ naghihinta­y sa tiwaling pulis –Palasyo

- Genalyn D. Kabiling at Beth Camia

Hindi kukunsinti­hin ng gobyero ang mga pulis na sangkot sa pangaabuso at mga ilegal na aktibidad at patuloy na lilinisin ang ranggo ng pulisya sa mga “bulok na itlog”, sinabi ng Malacañang kahapon.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo matapos lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na karamihan sa mga Pilipino ay naniniwala na sangkot ang mga pulis sa illegal drug trade, extrajudic­ial killings at pagtatanim ng ebidensiya laban sa mga suspek sa drug trade.

“Just like in any organizati­on, the Palace is aware that there are rotten eggs that tend to destroy the integrity of the great institutio­n, that is the Philippine National Police (PNP),” ani Panelo.

“As PRRD himself said, ‘There will be hell to pay if you become worse than criminals.’ Such actions show that we in the Administra­tion are intolerant with any kind of abuse coming from those whose duty is to serve and protect the Filipino people,” idinagdag niya.

Sa survey na isinagawa nitong Disyembre, karamihan ng respondent­s ay naniniwala na tama ang mga akusasyon laban sa mga pulis.

May 66 porsiyento ang nagsabi na ang mga alegayson sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa mga suspek sa droga ay “definitely or probably true,” habang 28% ang “undecided.” Limang porsiyento ang nagsabi na ito ay “definitely or probably not true.”

Nang tanungin kung totoong sangkot ang mga pulis sa illegal drug trade, 68% ang nagsabing “definitely” o “probably true”, 26% ang “undecided”, at 5% ang nagsabing “probably not true.”

Ipinakita rin sa survey na 58% ang naniniwala na ang mga pulis ay nagtatanim ng ebidensiya sa drug suspects, 33% ang “undecided,” at 9% ang naniniwala na ito ay “definitely or probably not true.

Aminado man na mayroong mga tiwaling pulis, nanawagan si Panelo ng “fairness” sa pagsasagaw­a ng mga survey.

“In the spirit of fairness, however, SWS should have also fielded a question regarding the good deeds of our policemen in the war against drugs,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines