Balita

North Korea, handang talikuran ang nuclear

-

HANOI (Reuters) – Sinabi kahapon ni North Korean leader Kim Jong Un na handa siyang talikuran ang kanyang nuclear weapons at hindi siya pupunta sa ikalawang pagpupulon­g nila ni U.S. President Donald Trump sa Vietnam kung hindi.

Sa ikalawang araw ng kanilang pag-uusap kahapon ng umaga sa Hanoi, ang kabisera ng Vietnam, kapwa positibo sina Kim at Trump.

“If I’m not willing to do that, I won’t be here right now,” ani Kim sa reporters sa pamamagita­n ng interprete­r, nang tanungin kung handa siyang talikuran ang kanyang nuclear weapons.

Sumagot naman si Trump na: “That might be the best answer you’ve ever heard.”

Nakaupong magkaharap sa conference table ang dalawang lider kasama ang kanilang aides.

Hindi nagdetalye si Kim sa “denucleari­zation”. “Hope you give us more time to talk. Even a minute is precious,” aniya sa reporters.

Hinihiling ng United States sa North Korea na abandonahi­n nito ang kanyang nuclear at missile programs, nais naman ng North na alisin ng U.S. ang nuclear umbrella nito para sa mga kaalyado sa Asia tulad ng South Korea at Japan.

Sa pagsisimul­a ng ikalawang araw ng mga pag-uusap sa French-colonial-era Metropole hotel ng umagang iyon, idiniin ni Trump na hindi dapat madaliin ang pagtalakay sa nuclear threat ng North Korea.

“I’ve been saying very much from the beginning that speed is not that important to me,” ani Trump sa reporters bago ang pagpupulon­g nila ni Kim. “Chairman Kim and myself, we want to do the right deal.”

Tinanong si Kim ng isang reporter kung kumpiyansa siya sa deal, sumagot siya na, “I do have a feeling that good results will come out.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines