Balita

Death threats sa kaparian, kasalanan ng Duterte critics

- Argyll Cyrus B. Geducos

Dumepensa ang Malacañang kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang sisihin ng mga kritiko sa death threats laban sa mga obispo at pari.

Ginawa ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo ang pahayag matapos sabihin ng mga kritiko ni Duterte na ang kanyang mga pahayag laban sa kaparian ang naghikayat sa mga tao na pagbantaan ang mga ito.

Sinabi kahapon ni Panelo na ang mga kritiko na nagsasalit­a laban kay Duterte ay isa lamang pagtatangk­a para pagmukhain­g masama ang Pangulo.

“In another attempt to bespatter the President’s popularity, the political opposition has once again blamed PRRD on the alleged death threats received by Caloocan Bishop Pablo Virgilio David,” aniya.

Ayon kay Panelo, nasanay na ang mga tao sa kakaibang pamamaraan ng public speaking ni Duterte at aprubado sa kanila ang kanyang istilo.

“The public knows when the President is serious and they also understand when he only means to be comical,” aniya.

Sinabi ni Panelo na ang dapat sisihin ay ang mga kritiko na palaging sinisikap na sirain ang reputasyon ni Duterte.

“If there is one to blame, it is the critics and detractors of the President and this Administra­tion who have been constantly painting a different picture by manipulati­ng PRRD’s statements and making them appear to look bad and malicious,” aniya.

Tiniyak ng opisyal ng Palasyo sa mga Katoliko at mga kaparian na hindi papayagan ng gobyerno na may masaktang pari o obispo.

“Anyone who attempts at harming him will have the full force of the law to contend with,” ani Panelo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines