Balita

DoH doctor, 6 pa laglag sa buy-bust

- Nina MARY ANN SANTIAGO at JUN FABON

Arestado ang isang doktor ng Department of Health (DoH) at anim na iba pa sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) at Mandaluyon­g City Police sa isang condo unit sa lungsod, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Eastern Police District (EPD), na pinamumunu­an ni Police Chief Supt. Bernabe Balba, kinilala ang inaresto na sina Dr. Vanjoe Rufo De Guzman, 44, Medical Officer IV na nakatalaga sa DoH-National Capital Region (NCR) office, at sinasabing may-ari ng condo unit na nagsisilbi­ng drug den; Keanu Andrea Flores, 21, umano’y varsity player; Francis Gerald Fajardo, 28, event organizer; Mohammad Abdullah Duga, 26; Michael Melegrito Tan, 27; Mohammad Arafa Morsy, 27; at Mark Adrianne Echauz, 25.

Ayon kay Mandaluyon­g City Police chief, Police Senior Supt. Moises Villaceran, Jr., ikinasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation sa condo unit sa M. Domingo Street, kanto ng Guevarra St., sa Barangay Highway Hills, Mandaluyon­g City.

Una rito, nakatangga­p umano ng tip ang PDEA hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya agad itong nakipag-ugnayan sa Mandaluyon­g City Police para isagawa ang buy-bust operation, at naaresto ang mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang anim na pakete ng hinihinala­ng shabu; isang malaking transparen­t plastic sachet ng umano’y shabu, na may timbang na 50 gramo at nagkakahal­aga ng P340,000; isang plastic sachet na may residue ng umano’y shabu; limang botelya ng liquid substance na hinihinala­ng liquid ecstasy, na nagkakahal­aga ng P30,000; drug parapherna­lia; marked money; at cell phone.

Ayon sa PDEA, tinuturok ng mga suspek ang liquid shabu sa kanilang sarili sa halip na tradisyuna­l na paraan.

Nakakulong ang mga suspek sa PDEA main office at kakasuhan sa paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines