Balita

Obrero, binoga ng nakasaguta­n

- Orly L. Barcala

Kritikal ang ice plant operator nang barilin ng isa sa tatlo nitong nakasaguta­n sa loob ng isang resto bar sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Nakaratay sa Tondo Medical Center si David Bula, 33, ng 23 Champaca Street, Barangay NBBSProper, Navotas City.

Nadakip naman sa follow-up operation ang dalawa sa tatlong suspek na kinilalang sina Mark Joseph Versaga, 20, ng Blk 25 Lot 66 Phase 2 Bgy. NBBS Dagat-dagatan, Navotas City; at Robert Pacino, 19, ng Phase 4 Blk f4 Lot 10 Pandi Village 2 Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan.

Tinutugis naman si Ferdinand Cascante, 20, ng Bgy. Longos, Malabon, na umano’y bumaril kay Bula.

Bago ang pamamaril, nasa loob ng resto bar sa Dalagang Bukid, Bgy. Longos, Malabon City ang mga suspek at biktima.

Nagkatingi­nan umano nang masama kaya nagkasagut­an, ngunit agad namang naawat ng bouncer ng bar.

Umalis ang tatlo kaya nagpasya na ring umuwi ang biktima, ngunit pagsapit sa boundary ng Navotas at Malabon City ay nakaabang ang mga suspek at hinarang si Bula.

Muling nagtalo ang mga ito at naglabas ng baril si Cascane at binaril ang biktima.

Kahit duguan ay nakatakbo si Bula at nakauwi at isinugod ospital at nagtungo ang live-in partner nito sa police station, na ikinaarest­o ng dalawang suspek.

Kinasuhan ng frustrated murder ang mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines