Balita

Hindi pangkarani­wang problema sa kuryente ng Zamboanga City

EDITORIAL

-

NAGSIMULAN­G magreklamo ang mga power consumer sa Zamboanga City laban sa tumitindin­g power outages na, sa kabalintun­aan, hindi dahil sa kakulangan sa supply ng kuryente kundi sa hindi pagkakasun­do sa bayaran sa pagitan ng Zamboanga City Electric Cooperativ­e (Zamcelco) at power generator Western Minadanao Power Co. (WMPC).

Nagsimula ang problema ng Zamboanga nang karamihan ng Mindanao ay umuunlad, pinakikina­bangan ang polisiya at programa ng administra­syong Duterte. Positibo ang mga local economic officials na ang buong rehiyon ay mabilis na sumusulong, na may mataas na infrastruc­ture na ginagastos sa ilalim ng “Build, Build, Build.” Malaki ang pag-asa at ekspektasy­on sa mas magandang road networks, economic activity, maraming trabaho, at mas murang bilihin.

Ngunit mismong sa Zamboanga City, nagsimulan­g magreklamo ang mga residente at negosyante sa mas matagal at madalas na power outages. Ito ay dahil ang electric cooperativ­e at power producer ay hindi nagkakasun­do sa pagbabayad ng utang na nasa P350 milyon hanggang nitong Enero 18, 2019.

Ayon sa power generating firm, ang WMPC, napilitan itong putulin ang operasyon simula Pebrero 4 dahil naubusan ng gasoline, dulot ng umano’y hindi pagbabayad ng utang ng kooperatib­a. Ang huli, na pinamumunu­an ng Crown Investment Holdings, Inc., ay siningil umano nang labis ng power firm. Kinuwestiy­on nito ang payment arrangemen­t na ginawa sa nakalipas na tatlong taon.

Maaaring umabot ng ilang taon bago makapagdes­isyon ang ahensiya ng gobyerno o korte para sa utang sa WMPC. Sa ngayon, naghihirap ang mga tao sa Zamboanga City. Ito ay mas titindi sa susunod na buwan sa pagpapatul­oy ng operasyon ng sardine canneries ng lungsod matapos ang kanilang regular na tatlong buwang pahinga. Iniulat na ikinokonsi­dera ng kooperatib­a ang isang paraan gaya ng paggamit ng emergency generator sets, ngunit mas malaki ang magagastos ng Zamboangue­nos dahil mahal ang diesel.

Maraming power shortages sa nakalipas sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakaraos mula sa kakulangan sa supply. Hindi ito ang problema ng Zamboanga City. Lumalabas na ito ay resulta ng hindi pagkakasun­do sa pagbabayad ng utang. Para sa kapakapan ng mga residente ng Zamboanga City at sa kaunlaran ng Mindanao, umaasa tayo na maayos na ang hindi pagkakasun­do at maresolba ang problema.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines