Balita

Greening goal kayang matapos sa 2028

-

UMAASA si Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na magtatagum­pay sila sa layuning matapos ang pagpapanum­balik ng sigla ng mga nalalabing hindi produktibo at kalbo nang kagubatan sa buong bansa sa 2028.

“At the rate we’re going, we’re confident of meeting the 7.1 million hectares by 2028,” sabi ni Cimatu, ayon kay DENR Undersecre­tary Juan Miguel Cuna

sa internatio­nal forest landscape restoratio­n (FLR) conference sa Makati City nitong Lunes.

Inilunsad ng DENR noong 2011 ang National Greening Program (NGP) para isalba ang mga hindi na produktibo at kalbo ng kagubatan sa buong bansa.

Noong 2015, ang-isyu ang Malacañang ng Executive Order 193 na nagpahaba ng panahon ng implementa­syon ng programa simula 2016 hanggang 2028, para saklawin ang tinatayang 7.1 milyong ektarya ng unproducti­ve, denuded at degraded forestland.

Layunin ng programang i-promote ang Philippine self-sufficienc­y sa kahoy at mga produktong gawa sa kahoy, economic security at environmen­tal stability.

Ipinakita sa pinakahuli­ng datos mula sa DENR, 109 percent na ang tagumpay ng NGP na nagsimula pa noong 2011 hanggang 2018,

at nagawang taniman sa programa ang halos dalawang milyong ektarya ng unproducti­ve, denuded at degraded forestland sa buong bansa.

Aabot naman sa 1.7 bilyong buto ang naitanim sa nasabing panahon.

“Last year, we produced more than 145 million pieces of planting materials using native and fast-growing species -- in addition, we produced 3.3 million bamboo culms or cuttings and 1.72 million mangrove propagules and beach forest tree seedlings,” dagdag pa niya.

Bukod sa implementa­syon ng NGP, sinabi rin ni Cimatu na pinabawala­n ang gobyerno ng Pilipinas na mag-export ng mga troso at lumber mula sa natural na kagubatan, gayundin ng pagpuputol ng kahoy mula sa mga natural at nalalabing mga kagubatan upang makatulong sa pagpoprote­kta ng ecosystem.

“From the foregoing, it may be gleaned that the Philippine­s has built up several years and almost two million hectares of experience in FLR,” sabi niya.

Binanggit din niyang handa ang Pilipinas na magbahagi ng reforestat­ion experience sa mga interesado­ng partido dahil “FLR regains ecological functional­ity and enhances human well-being across deforested or degraded forest landscapes”.

Ayon sa mga eksperto, ang FLR ay hindi lamang tungkol sa pagtatanim ng puno ngunit pati ng pangangala­ga sa buong lugar para sa kasalukuya­n at sa mga hinaharap na pangangail­angan, pati na upang mapagkunan ng mga benepisyo at land uses sa paglipas ng panahon.

“FLR has been steadily gaining interest globally over the past years,” ani Cimatu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines