Balita

Bea, Derrick, Kristoffer, reunited sa ‘Dragon Lady’

- Nitz Miralles

MAY reunion sa bagong GMA 7 teleserye na Dragon Lady sina

Bea Binene, Kristoffer Martin, at

Derrick Monasterio bilang younger version ng main characters. Si Bea ang gaganap na young Diana Zubiri, na gaganap namang ina ng bidang si

Janine Gutierrez.

Sa presscon kagabi ng bagong Afternoon Prime ng GMA-7 pa namin malalaman kung sinong young version ang ginagampan­an nina Kristoffer at Derrick.

After six years, ngayon lang uli nagkasama sa isang project ang tatlo mula nang magkasama-sama sila sa Tweenheart­s. Kaya ganu’n na lang ang tuwa ng tatlo nang magkita-kita sila sa taping.

Sina Bea at Kristoffer nga, nag-asaran pa na husayan ang kani-kanyang arte na in fairness, sa napanoood naming teaser ni Bea, she was able to deliver.

Sina Bea at Kristoffer ay regular na nagkikita, dahil kabilang sila sa close friends ni Alden Richards. Kapag inimbita ni Alden ang mga kaibigan niya, na kasama rin si Rodjun Cruz, ay nagkikita sila.

Natatandaa­n din namin, nanligaw si Derrick kay Bea at nagdi-dinner pa nga sila. Hindi lang natuloy dahil ipinatigil si Derrick na i-pursue si Bea, dahil kalove team noon ni Bea si Jake Vargas.

Kung alam lang siguro ni Derrick na mabubuwag din ang tambalan nina Bea at Jake, baka nagpursige siyang ligawan si Bea.

Anyway, sa March 4, after Eat Bulaga, ang time slot ng Dragon Lady nina Janine at Tom Rodriguez, sa direksiyon ni Paul Sta. Ana. Sa pilot week at hanggang second week siguro ang labas nina Bea, Kristoffer at Derrick sa serye.

 ??  ?? Kristoffer, Bea at Derrick
Kristoffer, Bea at Derrick

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines