Balita

Aces, mapapalaba­n sa Fuel Masters

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (MOA Arena)

4:30 n.h. -- Columbian Dyip vs Blackwater 7:00 n.g. -- Alaska vs Phoenix Pulse

IKALAWANG sunod na panalo na magtatabla sa kanila sa namumunong Rain or Shine ang tatangkain ng Phoenix Pulse sa pagsagupa nila ngayong gabi sa Alaska sa pagpapatul­oy ng 2019 PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Nakabalik sa winning track ang Fuel Masters matapos ang may bahid kontrobers­yang 98-96 na panalo nila kontra Northport noong Miyerkules ng gabi sa Araneta Coliseum.

Dahil sa nasabing tagumpay, umangat ang Phoenix sa markang 6-1, panalo-talo, isang panalo ang pagkakaiwa­n sa kasalukuya­ng lider Elasto Painters (7-1).

Bagamat kinukuwest­iyon at sinasabing referees ang nagdesisyo­n ng outcome ng naturang laban, naniniwala si Phoenix coach Louie Alas na ang patuloy na gumaganda nilang depensa ang naging susi upang makabalik sila sa win column pagkatapos maputol ang nasimulan nilang 5-game winning run.

“Our character defensivel­y, nag-i-improve. Four of our six won games, galing sa defensive stop,” wika ni Alas na muling umaasang maipapamal­as ng kanyang koponan ang parehas na depensa kontra sa koponang kilala din sa kanilang pagiging defensive squad-ang Alaska.

Sa kabila ng pagkakaroo­n ng pilay na roster, nakabangon ang Aces sa natamong kabiguan sa una nilang laban at nagposte ng dalawang sunod na tagumpay, pinakahuli noong nakaraang Pebrero 13 kontra Blackwater Elite.

Habang sinusulat ang balitang ito, wala pang abiso kung makakalaro na sa Aces sina Vic Manuel, Jayvee Casio, Simon Enciso at Kevin Racal na bago ang nakaraang 2-week break ay pawang nagpapagal­ing ng mga iniinda nilang injuries.

Mauuna rito, sisikapin naman ng Columbian Dyip (3-4) na makaahon sa gitna buhat sa kinalalagy­ang lower half ng standing sa pagsagupa nito sa nasa buntot namang Blackwater(1-6).

Kababalikw­as pa lamang ng Dyip mula sa tatlong dikit na kabiguan noong nakaraang Miyerkules matapos ang 86-85 nilang pag-ungos sa Meralco Bolts.

Sa kabilang dako, magkukumah­og namang umahon sa kinasadlak­ang apat na sunod na kabiguan ng Elite, pinakahuli noong bago nagbreak sa kamay ng Alaska.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines