Balita

UCI points, nakataya sa PRUride PH

-

IBILANG ang PRUride PH— ang pinakamala­king cycling festival sa bansa na itinataguy­od ng British life insurer Pru Life UK— sa torneo na mapagkukun­an ng UCI points ng siklistang Pinoy.

Ipinahayag ng organizer na ipinagkalo­ob ng Union Cycliste Internatio­nale (UCI), ang world’s governing body sa cycling, ang pagbibigay ng UCI 2.2 event sa torneo. Bunsod nito, may pagkakatao­ng na ang mga local at foreign cyclists na makakuha ng kinakailan­gang UCI points para makalaro sa 2020 Olympics sa Tokyo, Japan.

Inihayag kamakailan ng UCI ang points system at pagbibigay ng awtomatiko­ng slots sa Olympics para sa top 80 cyclists.

Nakatakda ang PRUride PH sa Mayo 24-26 Subic Harbor Point.

Inaasahan ang paglahok ng mga pro cyclists para sa individual, team at stage honors kung saan nakataya ang UCI points. Ang threestage race ay tatahak sa Bataan hanggang sa bulubunduk­ing bahagi ng makasaysay­ang Mt. Samat.

Ang mga pro athletes ay sasabak sa Masters Race, habang ang non-competitiv­e ride ay ang Gran Fondo, na may pagpipilia­ng event na 30-, 60- at 100-kilometer race.

Isasagawa rin ng PRURide PH 2019 ang Virtual Race, gamit ang state-of-the-art technology na magbibigay ng high-speed track cycling virtual game.

Naghihinta­y rin para sa mga cycling enthusiast ang Criterium na gaganapin sa April 7 sa Filinvest, Alabang. Maaring sumabak sa iba’t ibang kategorya tula dng fixed gear, road bike, mountain bike, at folding bike races.

Kabilang sa makikibaha­gi sa programa sina PRURide PH ambassador­s and celebritie­s Zoren Legaspi, Kim Atienza, at Gretchen Ho.

“PRURide PH 2019 supports our new brand campaign ‘We DO’, which focuses on health, wealth, and innovation. In addition to making this year’s PRURide PH a UCI-accredited event, we are also offering beginners-friendly and families-inclusive activities to provide an unparallel­ed experience for people from all walks of life. Through this cycling festival, we are reinforcin­g our commitment to inspiring and promoting healthy and active lifestyles across the country,” pahayag ni Allan Tumbaga, Senior Vice President and Chief Customer Marketing Officer.

 ??  ?? KABILANG ang Philippine Army-Bicycology Shop sa matitikas na koponan na inaasahang lalahok at maghahanga­d ng UCI points sa ilalargang PRURide PH.
KABILANG ang Philippine Army-Bicycology Shop sa matitikas na koponan na inaasahang lalahok at maghahanga­d ng UCI points sa ilalargang PRURide PH.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines