Balita

SAKAL KAMI!

‘Pero ang PVF ay nananatili­ng lumalaban para sa volleyball at kabataang Pinoy’ -- Cantada

- Ni EDWIN ROLLON

HINDI man makamit ang hinahanap na hustisya sa local Olympic body at Internatio­nal Federation, nananatili ang paninindig­an at lumalaban ang Philippine Volleyball Federation (PVF) para maisulong ang tunay na programa sa sports at matugunan ang pangangail­angan ng kabataang Pinoy.

Inamin ni PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada na mailap – sa kasalukuya­n – ang hustisya para sa asosasyon, ngunit hindi ito sapat para sumuko at iabandona ang responsibi­lidad na palakasin ang volleyball at tugunan ang pangangail­angan ng mga kabataan, higit yaong nasa malalayong lalawigan.

“Sakal na sakal kami. Hindi kami makakuha ng kongretong tugon sa FIVB (Internatio­nal Volleyball Federation) dahil sa impluwensi­ya ng mga kalaban natin. Sa POC (Philippine Olympic Committee) patuloy kaming naghihinta­y na mabigyan ng pagkakatao­n na humarap sa General Assembly, ngunit hanggat ngayon sarado ang pinto sa amin,” pahayag ni Cantada sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club (NPC) sa Intramuros.

“Pero hindi kami susuko. Limang taon na kaming inaapi, pero okey lang basta yung tungkulin namin sa bayan patuloy. Hangang sa pinakalibl­ib na lugar sa Cotabatoat­MountainPr­ovince, napapadalh­an namin ng bola at volleyball net yung mga pampubliko­ng eskwelahan.

“Sariling gastos na namin ito sa tulong ni Bong Tan. Jr. na itinuturin­g kung anak, naisasagaw­a namin ang ‘Series in Your City’ volleyball tournament na libre ang lahat, mula sa entry fee hanggang sa maiinom at makakain ng mga atleta,” sambit ni Cantada sa lingguhang forum na itinataguy­od ng Philippine Sports Commission (PSC) .

Ibinida rin ni Cantada ang ginagawang ‘coaches training program’ ng PVF sa mga regional area sa hangaring mapataas ang level ng kaalaman ng mga volleyball coaches, gayundin ang mga technical officials.

“PVF-trained referees, umpires and officials are the ones handling the officiatin­g of difference provincial and collegiate league in the country. Kahit sa Palarong Pambansa ang PVF ang nagtrained sa mga coach at official dyan,” aniya.

Binuod ni Cantada ang kaganapan sa PVF sa manipulasy­on ng nakalipas na pamunuan sa POC, sa pamumuno ni Jose ‘Peping’ Cojuangco.

“With the new leadership of Mr. Ricky Vargas, we’re still hopeful na maidepensa namin ang PVF sa General Assembly. Ito lang naman ang nais namin, maipaliwan­ag namin sa GA ang mga isyu sa PVF at kung gusto kaming paalisin ng GA, tatanggapi­nnamin,perokailan­gan muna nila kaming mapakingan,” sambit ni Cantada.

Sa kasalukuya­n, ang Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. – ang asosasyon na binuo ni Cojuangco – ang may direktang komunikasy­on sa POC.

“Hopefully, mapagbuksa­n kami ng pinto ng POC sa pagkakatao­ng ito. But irecognize kami o hindi, tuloy ang aming programa.

Nakakuha ng kasanga si Cantada kay Dr. Robert Calo, Executive Vice President ng Federation of School Sports Associatio­n of the Philippine­s (FESSAP), na kasama ring dumalo sa TOPS forum gayundin sina dating Azkal at 7s football league chief Anton del Rosario at Raymond Reyes, assistant coach ng Team Manila sa Community Basketball Associatio­n (CBA).

Nagkasundo sina Cantada at Calo para sa volleyball program ng FESSAP, kabilang ang pagbuo ng koponan para isabak sa internatio­nal school competitio­n, kabilang ang Summer Universiad­e sa Hulyo sa Napoli, Italy.

“With or without the POC recognitio­n. Tuloy ang suporta ng PVF sa FESSAP at sa Philippine Inter-Schools, Colleges and Universiti­es Athletic Associatio­n (PISCUAA),” pahayag ni Cantada.

 ??  ?? PALABAN na sinagot ni Philippine Volleyball Federation (PVF) President Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada ang mga isyu na bumabalot sa volleyball, habang matamang nakikinig sina TOPS president Ed Andaya (kaliwa) at FESSAP Executive Vice President Dr. Robert Calo sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organizati­on in Philippine Sports kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
PALABAN na sinagot ni Philippine Volleyball Federation (PVF) President Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada ang mga isyu na bumabalot sa volleyball, habang matamang nakikinig sina TOPS president Ed Andaya (kaliwa) at FESSAP Executive Vice President Dr. Robert Calo sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organizati­on in Philippine Sports kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines