Balita

Tagle, rumapido sa archery ng Batang Pinoy Visayas leg

-

ILOILO CITY -- Pinakabata, ngunit pinakamati­nik si Naina Dominique Tagle ng Dumaguete City sa girls archery ng Batang Pinoy Visayas leg.

Winalis ng nakababata­ng kapatid ni National Team mainstay Nicole Tagle ang pitong event – 20m, 30m, 40m, 50m, Fita, mixed team at Olympic round -- na nilahukan sa archery event kahapon sa Iloilo Sports Complex dito.”I was surprised. I didn’t expect to win this amount of medals and these are allgold medals. So I’m really thankful for this,” pahayag ng 10-anyos na si Tagle.

Sa 13-pababa age bracket ng torneo, si Tagle ang pinakabata.

“I’m very proud of her kasi at her age imagine 10 years old and she was able to get seven gold against sa mga nakalaban niya na mga 13 years old, nakakatuwa talaga,” pahayag ng ama na si Nick.

Nakalaban ni Tagle ang pambato ng Cebu na si Densil Shane Dinopol sa finals ng Olympic round.

Bukod kay Tagle, naka-anim na ginto naman ang kasangga niyang si Prisa Herren Lofranco na sumabak sa cadet girls samantalan­g anim nag into rin ang naiuwi ni Godwell Malololoy-on ng Mandaue City.

Kabuuang 13 ginto ang nakopo ng Dumaguete City sa archery.

Samantala, sumisid ng anim na ginto si Gulliver Clive Clemente ng Antique matapos ang panibagong panalo sa 100m IM at 100m breaststro­ke sa boys 12- under.

Sa karatedo, kinuha ni Pauline Jalaw ng Bacolod City ang tagumpay sa 8-9 girls kumite, habang si Jisha Zyra Azar ng Cebu City ang nagwagi sa 10-11 girls Kumite 130cm.

Sa girls 10-11 140cm event, nasikwat ni Cassandra Nikkolai Solcan ng Lapulapu City ang ginto, habang si Jowin May Medalo ng Cebu City ang bida sa 12-13 category.

Ang nasabing kompetisyo­n ay bahagi ng grassroot program ng Philippine Sports Commission (PSC) na naglaan ng P15M para kinakailan­gan equipment ng host City.

 ??  ?? TAGLE! Most bemedalled archer.
TAGLE! Most bemedalled archer.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines