Balita

Maine, focused naman sa recording

- Ni NORA V. CALDERON

NGAYONG tapos na ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza ang work niya para sa kanyang latest endorsemen­ts, haharapin naman niya ang recording ng ilang singles na bubuo sa kanyang self-titled album under Universal Records.

May mga lumabas na kasing balita na malapit nang lumabas ang first album ni Maine, kahit wala pa namang official announceme­nt mula sa kanyang recording company. Kaya nilinaw ito ni Maine sa isang event na dinaluhan niya noong isang araw.

“I’m working na po on my album. Wow, ‘di ba? Abangan n’yo na lang yan,” sabi ni Maine.

“Actually, long overdue na ‘yan eh, kasi matagal ko nang sinasabi sa kanila na magrerecor­d na ako. Pero naging busy ako last year kaya hindi ko ito nagawa.

“Pero ngayon, I’m focusing on my album and sana po matanggap ng mga tao ang aking susunod na io-offer sa kanila.”

Sa ngayon kasi, may dalawang songs nang nai-record si Maine, at magre-record siya ng apat pang songs. May mga fans na nagre-request, kung puwede raw isama sa first album ni Maine ang first compositio­n niya, ang Imagine You & Me. Ang nasabing

awitin ang theme song ng first movie nila ni Alden Richards

of the same title.

Sino kaya ang may property ng said song na may duet din sila ni Alden?

Bukas, March 2, ay 24th birthday ni Maine, though March 3 talaga ang birthday niya. Tiyak na may mga sorpresa sa kanya ang Dabarkads sa Eat Bulaga.

At sa Daddy’s Gurl bukas ng gabi, may special episode rin ang sitcom for Maine’s birthday.

Kahapon, February 28, nag-taping na sina Maine ng special episode ng Daddy’s

Gurl, na special guest nila si Alden, ang sagot sa matagal nang request ng AlDub fans na i-guest ang Pambansang Bae sa sitcom nina Bossing Vic Sotto, Maine, Wally Bayola,

Oyo Sotto, at Benjie Paras, sa direksiyon ni Chris Martinez.

Wala pang date of airing ang said episode ng Daddy’s Gurl, na napapanood every Saturday, after ng Pepito Manaloto, sa GMA 7.

 ??  ??
 ??  ?? Maine
Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines