Balita

NAGBABAKLA­SAN DITO!

- ALI VICOY

Sinimulan na kahapon ng Task Force Baklas ang pagtatangg­al ng mga illegal campaign materials sa San Andres Street sa Malate, Maynila. Ayon sa Comelec, gagamitin nila ang mga binaklas sa pagsasampa ng kaso sa mga kandidato.

Gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) na ebidensiya laban sa mga kandidato ang mga binabaklas nilang ngayong illegal campaign materials.

Ito ang tiniyak kahapon ni Comelec Spokespers­on James Jimenez, sinabing ang mga kandidaton­g mapatutuna­yang may illegal campaign materials ay kakasuhan sa paglabag sa Omnibus Election Code.

Kahapon, sinimulan na ang Joint Operation Baklas, sa pangunguna ng Comelec, katuwang ang Philippine National Police (PNP), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transporta­tion (DOTr), at attached agencies ng mga ito; Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB); at Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA).

“Suportado namin ang kampanya ng Comelec na baklasin ang mga illegal posters. Magbibigay kami ng guidelines sa lahat ng aming directors,” sabi ni PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde.

Ayon naman kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, pinapayaga­n ang paglalagay ng political ads sa mga pampubliko­ng sasakyan kung sunod sa itinakdang sukat ang mga ito.

Bukod sa campaign posters na hindi sumusunod sa takdang sukat at wala sa common poster areas, kasama rin sa mga binaklas ang mga tarpaulin ng mga kandidato na may mga nakasulat na pagbati, dahil nagdudulot ang mga ito ng “name recall” kaya pasok pa rin sa kategoryan­g campaign materials, ayon kay Jimenez.

Kabilang sa mga lugar na unang sinuyod kahapon ng Task Force Baklas ang EDSA Extension sa Pasig City; EDSA sa Pasay City; at mga kanto ng P. Ocampo at Roxas Boulevard, M. H. del Pilar at San Andres Street sa Maynila.

Pinakamara­mi sa mga nakumpiska ay materyales sa pangangamp­anya ng mga senatoriab­les at mga party-list groups.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines