Balita

Solar-powered irrigation system para sa mga magsasaka ng Isla Verde

-

MATAPOS na mabigyan ng kuryente ang nasa 40 bahay sa Isla Verde ngayong buwan, nabiyayaan naman ang mga masasaka ng isla ng solarpower­ed irrigation system mula sa Bureau of Soil and Water Management (BSWM) ng Department of Agricultur­e (DA) upang mapalakas ang agrikultur­al na produksiyo­n.

Ibinahagi ni Engr. Pablito Balantac, hepe ng Office of the Provincial Agricultur­ist (OPA), na kabilang ang mga magsasaka ng San Agapitosa ng Isla Verde na tumanggap ng proyekto sa 105 barangay sa lungsod dahil na rin sa instalasyo­n ng solar-power sa isla.

“Magagamit din ang solar energy na ito sa mga itatayong waterworks projects dito,” ani Balantac, na binigyang-diin ang tulong ng sistema ng irigasyon sa pagpapalak­as ng pangkabuha­yan at produksiyo­n ng argrikultu­ra.

Ayon kay Balantac, ang pagtatayo ng mga solar-powered irrigation system ay malaking tulong sa mga residente ng isla, partikular ang mgma magsasaka at nasa sektor ng agrikultur­a na miyembro ng Associatio­n of San Agapito Farmers and Fisherfolk na mangangala­ga at gagamit ng mga kagamitan.

Dagdag pa niya, layunin ng DA solar-irrigation project na maisulong ang pangangala­ga at tamang paggamit ng mga lupa at nakukuhang tubig upang makamit ng mga magsasaka ang productivi­ty at mas malaking kita.

Samantala, ipinaliwan­ag ni Assistant City Agricultur­ist Flora Andal na ang solar-powered irrigation system ay ipatutupad sa pamamagita­n ng Organic Agricultur­e Program, kung saan 75 porsiyento ng solar pump ang gagamitin para sa irigasyon ng mga sakahan habang ang 25% ay maaaring magamit sa mga bahay.

Ayon kay Andal, magdaraos ang Office of City Veterinary and Agricultur­al Services (OCVAS)-Crops Division ng serye ng mga pagsasanay para sa mga residente ng San gapito tungkol sa organic vegetable production.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines