Balita

Bea Bianca, official designer ng Ms. Caloocan candidates

- Ni REGGEE BONOAN

IPINAKILAL­A na sa media ang 21 kandidata para sa Ms. Caloocan 2019 na gaganapin sa Caloocan Sports Complex bukas, ganap na 7:00 ng gabi.

Pawang beauty and brains ang mga kandidata dahil ‘yung iba ay tapos na at iba nama’y kasalukuya­ng nag-aaral at magaganda ang kurso.

Sa anim na taong panunungku­lan ni Mayor Oca Malapitan sa Caloocan City ay limang taon na niyang ginagawa ang event katuwang ang anak na si Ms. Katherine M.

Mendoza na chairwoman ng Caloocan. “Sixty-seven years na pong running but under the leadership ni mayor, pang 5th year,” saad ni Ms. Katherine nang makatsikah­an namin sa ginanap na media presentati­on sa bagong building ng Caloocan City Hall.

Ang mga obligasyon ng mananalong Ms. Caloocan 2019 ay, “ipinadadal­a namin sa national pageant like for example sa Miss Earth kapag sumusulat sa amin, sila ‘yung official representa­tive namin. Other than that, dito naman sa local kapag may mga dumarating kaming visitors or guest like mga senators or from supreme court, sila ‘yung humaharap as welcoming committee, tumutulong din as host. Sa mga project ng tourism office kapag may mga kailangan, tumutulong silang mag-promote.”

Maraming Ms. Caloocan winners na ang napasama sa top 4 sa mga major beauty contest ngunit wala pang nakapag-uuwi ng korona.

Ang mananalong Ms. Caloocan 2019 ay tatanggap ng P100,000 at sash; 1st runnerup – P50,000 2nd runner-up – P40,000; 3rd runner-up -P30,0000 at lahat naman ng hindi mananalo may tig-P10,000.

Sa press presentati­on ay pinarangal­an na si candidate #5 Virginia Perez bilang Darling of the Press.

Si Jojie Simpaoco na taga-Caloocan din ang official make-up artist at ang beauty queen designer na si Bea Bianca ang magbibihis sa 21 kandidata.

Anyway, ang mga past winner ng Ms. Caloocan na pumasok sa showbiz ay sina

Aubrey Miles at Angel Locsin.

 ??  ?? Mga kandidata sa Ms. Caloocan 2019
Mga kandidata sa Ms. Caloocan 2019

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines