Balita

Paano kinukunan ang mga kumplikado­ng ‘Kara Mia’ scenes?

- Nora V. Calderon

PINALAKPAK­AN ng marami ang unang paglabas nina

Barbie Forteza as Kara at Mika dela Cruz as Mia, sa pilot episode ng teleseryen­g Kara Mia. Pero sa sumunod na gabi ay ipinakita na ang simula kung bakit ganoon sila, iisa lang kanilang katawan pero dalawa ang mukha.

Kaya naman gabi-gabi, wish ng mga netizens na lumaki na agad sina Kara at Mia, although parehong mahuhusay ang dalawang child stars na gumanap sa kani-kanilang role.

At kagabi, tuluyan nang natupad ang wish ng mga fans nina Barbie at Mika. Napaaga kasi ang paglabas nila sa serye, na dapat ay sa Monday (March 4) pa.

Finally, mapapanood na ang mga eksenang pahirapan na kinuhanan para sa kanikaniya­ng anggulo nina Barbie at Mika.

Sa unang interview namin kay Barbie, naikuwento niyang siya ang hirap sa mga eksena dahil nga sa kanya ang katawan, at si Mika naman ay mukha lang ang nakikita.

“May mga eksena na po kaming ginawa noon na kailangang pasanin ko si Mika para magmukhang nasa likod ko siya talaga,” kuwento ni Barbie.

“Pero hirap din po si Mika dahil hindi siya puwedeng kumilos. Kailangang makita lang ang mukha niya. Kaya kailangang takpan siya mula sa dibdib niya.”

“Complicate­d po ang mga eksena, at medyo matagal kunan, dahil kailangang kunan muna si Barbie bago ako naman ang kukunan, at pagkatapos saka kami sabay kukunan,” sabi ni Mika.

Inaabangan din ng mga netizens paano kapag na-in love na ang magkapatid. Kung iisa ang nagustuhan nila, sino kaya ang magbibigay? Sa dalawa kasi, si Kara ang laging nagbibigay sa gusto ni Mia, dahil wala nga itong katawan.

Para sa mga fans ng Kara Mia, subaybayan ninyo sa social media at website ng GMA, ang interactiv­e virtual set tour. Ngayong March 1, may “ArtisTamba­yan” sa set nila, na mapapanood sa Facebook. Sa gabi naman ang Twitter party.

Napapanood ang Kara Mia sa primetime slot, pagkatapos ng 24 Oras.

 ??  ?? Barbie at Mika
Barbie at Mika

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines