Balita

Kyline, halos 1 linggong napapanood sa TV

- Ni MERCY LEJARDE

LAHAT ng cast at executives ng GMA 7 Afternoon primetime na Inagaw

Na Bituin ay super glad and happy coz ini-enjoy nila ang high TV ratings ng nasabing teleserye, mula Lunes hanggang Biyernes, na ang lead stars ay sina Kyline Alcantara at Therese Malvar.

Hindi lang sina Kyline at Therese ang nagbabanat­an ng aktingan sa serye kundi pati na rin ang ilang kasama nilang veteran stars, like Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, at Angelu de Leon.

Among the cast of Inagaw Na Bituin ay si Kyline ang pinaka-busy, dahil bukod sa nasabing serye na three times a week ang taping ay meron pa siyang two Sunday shows, ang Sunday PinaSaya sa tanghali at in the evening naman ay Studio 7.

“But I am not complainin­g. Actually I love being busy sa work,” sabi ni Kyline. “Magkocompl­ain pa ba ako samantalan­g ‘yung iba, walang trabaho. I’m just thankful for all the blessings that come into my life right now.” Amen to that, Kyline!

Sa istorya kasi ng Inagaw Na Bituin, gumaganap si Kyline bilang si Anna, only child nina Belinda (Sunshine) at Edward

(Marvin Agustin). Kaya lang nakidnap ang Kyline at lumaki sa piling ng kanyang foster Momshie na si Aurora (Angelu) na binigyan siya ng bagong pangalan na Elsa.

“I can really identify with my role as an aspiring singer kasi pinagdaana­n ko na rin ‘yan before GMA7 gave me a good break in

Kambal Karibal, and now this show nga. Like Anna/Elsa gusto ko ring matulungan ang mga taong mahal ko sa buhay and make them proud of me,” sabi ni Kyline.

Well, good luck pa more Kyline! At harinawa nga ay matupad ang lahat ng pangarap mo sa buhay para boom, patok ang ekonomiya ng iyong mga mahal sa buhay, at pati na rin ang iyong kinabukasa­n sa loob at labas ng showbiz world.

 ??  ?? Kyline
Kyline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines