Balita

Pete Davidson, itinigil ang show dahil sa Mac Miller joke

-

NIRESBAKAN ni Pete Davidson ang fan niyang nagbiro ng insensitiv­e joke tungkol kay Mac Miller sa kanyang comedy show nitong Lunes ng gabi.

Ayonsaulat­ngPEOPLE,sakalagitn­aan ng set ni Pete sa South Orange Performing Arts Center sa New Jersey, habang sinasabi sa audience ang joke niyang, “My friend died in my apartment,” ay biglang isinigaw ng isang fan ang “Mac Miller?”, ayon sa recording na nakuha ng TMZ.

Kaagad namang itinigil ni Pete ang show at nagtanong, “Who’s that guy? We’re getting him out.”

Natahimik naman ang hall nang sabihin ng Saturday Night Live star sa manonood na ituro kung sino ang sumigaw, na tinawag niyang “f— face.”

Maya-maya ay nagbanta na si Pete na aalis sa venue ‘pag hindi pa pinalabas ang lalaking tinutukoy.

“I will not continue until that kid is gone,” sabi ni Pete sa clip. “Find him.

“I’ll leave… give him his money back and get him the f— out. I don’t deal with that s— at my shows.”

Kalaunan ay pinaalis din ang fan, kaya naman napapalakp­ak ang audience at ipinagpatu­loy na ni Pete ang show.

Noong September 7, natagpuang wala nang buhay si Mac sa kanyang Studio City, California home. Namatay siya dahil sa accidental overdose ng fentanyl, cocaine at alcohol, kinumpirma ng PEOPLE. Siya ay 26 taong gulang.

Nang mamatay si Mac, engaged si Pete sa ex ni Mac na si Ariana Grande.

Naghiwalay sina Mac at Ariana, 25, noong May 2018 makaraan nilang isapubliko ang kanilang relasyon noong September 2016.

Nang Mayo rin, kinumpirma ng PEOPLE na nagsisimul­a nang magdate sina Ariana at Pete bago tuluyang nagkaroon ng relasyon.

Wala pang isang buwan silang magkarelas­yon nang mag-propose ang komedyante sa singer.

Noong Oktubre, dalawang buwan makalipas ang pagkamatay ni Mac, naghiwalay sina Ariana at Pete.

“It was way too much too soon,” sabi ng source sa PEOPLE. “It’s not shocking to anyone.”

Kamakailan, ilang report ang naglabasan na magkarelas­yon umano siPete at ang aktres na si Kate Beckinsale.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines