Kasal na si Ed Sheeran?
ED Sheeran couldn’t be “Happier”!
Ikinasal na umano ang 28anyos na pop star at longtime girlfriend na si Cherry Seaborn, 26, noong December, iniulat ni Dan Wootton ng The Sun.
Nagpalitan umano ng “I do’s” ang couple sa kanilang tahanan sa
Suffolk, England sa harap ng kanilang 40 kaibigan at pamilya.
“Ed got married a few days before Christmas. It was very quiet – just Ed’s oldest school pals, limited family and the priest,” ulat pa ng pahayagan. “He wanted no fuss and he wanted it to be something entirely for them – just a tiny winter wedding … Neither of them were that fussed about making a big deal about it.”
Ini-report ng The Sun na nagpaplano ang dalawa ng mas magarbong selebrasyon sa summer para makasama ang kanilang iba pang kaibigan.
Unang nakilala ni Ed si Cherry sa school nang siya ay 11 taong gulang — ngunit hindi sila nagkaroon ng romantic relationship hanggang noong summer ng 2015, nang magkita ulit at nag-date sila sa annual Fourth of July fête ni Taylor Swift, iniulat ng People.
“I went to Taylor’s 4th of July party. I was texting [Seaborn], and she was like, ‘I’m in Rhode Island at a 4th of July party,’ and I was like, ‘So am I.’ I kinda said to Taylor, ‘Can I invite one of my old schoolmates?’” sabi noon ni Ed sa PEOPLE tungkol sa fateful party. “The rest is history.”