Balita

Warriors, luhod sa balatengan­g tira ni Wade

-

MIAMI (AP) — Nagdiwang ang home crowd, habang natigagal ang defending champion Golden State Warriors sa hailed mary shot ni Dwyane Wade.

Naisalpak ni Wade, naglalaro sa kanyang huling season sa liga, ang balatengan­g tira sa buzzer, sapat para masilat ng Miami Heat ang Warriors, 126-125, nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

Kumubra si Wade ng kabuuang 25 puntos para sandigan ang Miami sa unang panalo matapos ang 0-6 kampanya. Nanguna si Goran Dragic sa Heat na may 27 puntos, habang kumana si Josh Richardson ng 21 puntos para sa Miami, nagtala ng 18 three-pointer.

Hataw si Klay Thompson sa Warriors sa naiskor na 36 puntos, habang kumana si Kevin Durant ng 29 puntos, ngunit naisablay ag krusyal na free throw sa huling 14 segundo para mapanatili­ng dikit ang iskor para ang game-winner ni Wade.

Nag-ambag si Stephen Curry ng 24 puntos.

WIZARDS 125, NETS 116

Sa New York, ginapi ng Washington Wizards, sa pangunguna ni Bradley Beal na may 31 puntos at Trevor Ariza na may 23 puntos at 10 rebounds, ang Brooklyn Nets.

Nagsalansa si reserve Thomas Bryant ng 18 puntos at tumipa si Bobby Portis ng 10 puntos at 12 rebounds sa Wizards, umabante sa pinakamala­king 28 puntos na bentahe.

Nanguna si D’Angelo Russell sa Nets na may 28 puntos.

ROCKETS 118, HORNETS 113

Sa Charlotte, ratsada si James Harden sa naiskor na 30 puntos, habang kumana si Clint Capela ng 23 puntos at careerhigh 17 rebounds, sa panalo ng Houston Rockets kontra Charlotte Hornets.

Hataw sa Hornets si Kemba Walker na may 35 puntos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines