Balita

Zero discrimina­tion sa mga HIV+, giit ni Pia

- Ni ROBERT R. REQUINTINA

NANAWAGAN sa publiko ang dating Miss Universe at UNAIDS Asia-Pacific goodwill ambassador na si Pia Wurtzbach upang tuluyan nang matuldukan ang diskrimina­syon, kasabay ng paggunita sa Zero Discrimina­tion Day kahapon, Marso 1.

“It is an opportunit­y to celebrate everyone’s right to live a full and productive life with dignity—no matter what they look like, where they come from or who they love,” post ni Pia sa Instagram.

“Let’s come together to end discrimina­tion and celebrate diversity, tolerance and inclusion.”

Ginugunita tuwing Marso 1 ang Zero Discrimina­tion Day, isang taunang worldwide event na nagsusulon­g ng pagkakaiba-iba at kumikilala sa kahalagaha­n ng bawat tao.

Marso 1, 2014 nang ginunita ng United Nations ang unang Zero Discrimina­tion Day makaraang ilunsad ng UNAIDS, programa ng UN sa human immunodefi­ciency virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS), ang Zero Discrimina­tion Campaign sa World AIDS Day noong Disyembre 2013.

Ang mga organisasy­ong tulad ng UN ay aktibong isinusulon­g ang event sa paglulunsa­d ng iba’t ibang aktibidad upang bigyang-diin ang karapatan ng bawat isa sa maayos at may dignidad na pamumuhay anuman ang edad, kasarian, sekskuwali­dad, nationalit­y, lahi, kulay ng balat, tangkad, timbang, propesyon, edukasyon, at paniniwala, ayon sa timeanddat­e. com.

Maraming bansa ang may mga batas laban sa diskrimina­syon pero problema pa rin ito sa maraming aspeto ng lipunan sa lahat ng bansa. Marami pa ring bansa ang gumagamit sa diskrimina­syon sa pamumuno.

Si Pia ang itinalagan­g Goodwill Ambassador ng Joint United Nations Program on HIV/AIDS (UNAIDS) Asia-Pacific noong Mayo 3, 2017.

“I will use my voice, my social media following (for this advocacy). People who are following me right now, at least when they look at me, they’ll know that (I am) advocating for HIV/AIDS,” ani Pia.

Matagal nang umaapela si Pia sa publiko na magpasuri upang malaman ang kanilang HIV status, dahil, ayon sa Miss Universe 2015, isa sa bawat walong tao ang hindi alam kung may HIV sila o wala.

“Which means, some individual­s are not receiving the attention and care that they need and deserve to stay healthy and avoid risking others,” sabi ni Pia.

Hunyo 2016 nang magpasuri sa Amerika, kasabay ng National HIV Testing Day, at magnegatib­o si Pia.

 ??  ?? Pia
Pia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines