Balita

Rider pisak, angkas duguan sa mixer truck

- Bella Gamotea

Patay ang isang rider makaraang magulungan ng mixer truck habang sugatan ang angkas nitong babae sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Robb Ian Rosas Membrebe, 25, ng No. 200 Gen. Mariano Alvarez, Cavite.

Dinala naman sa St. Luke’s Hospital sa Taguig City si Renalyn Alivar Jaravilla, 26, ng No. 738 Zone 18, Rodriguez Street, Malibay, Pasay City.

Nasa kustodiya ng Makati City Police ang suspek at driver ng concrete mixer truck (URI 548) na si Andy Cordero Supan, 41, ng No. 10B Sampaguita St., Western Bicutan, Taguig City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang aksidente sa Intersecti­on EDSA Service Road northbound lane at Lapu-lapu St., Bgy. Magallanes sa Makati City, dakong 7:45 ng gabi.

Sa inisyal na imbestigas­yon, bago ang insidente, galing sa Pasay City ang dalawang sasakyan at tinatahak ang kahabaan ng EDSA north bound lane patungong direksiyon ng South Superhighw­ay.

Pagsapit sa naturang lugar, biglang nasagi ng truck ang kaliwang bahagi ng motorsiklo ng mga biktima, dahilan upang magulungan ng truck ang rider na si Membrebe.

Rumesponde ang Makati City Rescue ambulance, sa pangunguna ni Dr. Lady Mylinne Abbarrient­os, na nagsugod kay Jaravilla sa naturang pagamutan.

Kakasuhan ang suspek ng reckless imprudence resulting in homicide, physical injury at damage to property.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines